Tuesday, July 04, 2006

SINO ANG TUNAY NA BALIW?!

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ooh.....Ahh.......

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Kaya't sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw



siyempre naman, nagpapakamelodramatic na naman ako...
basahin niyo na alng ang kanta at malalaman niyo rin...


ito lang ang masasabi ko...
*Sa buhay, maraming nagyayaring hindi maiiwasan...hindi inaasahan. ang inaakala mong tagapagligtas, siya pala ang papatay sa iyo. ang inaakala mong milagro ay isa pa lang sumpa. ang inaakala mong kaibigan ay isa pa lang kaaway. maraming nangyayari sa mundo na dahil sa sobrang bilis na takbo nito ay hindi na natin namamalayan. maraming mga pangyayari na nagdudulot para sa ating mga tao na magbago.

ang buhay ay isang kuwento, parang mga teleseryeng mahaba na pinagkakabit-kabit ang buhay ng mga karakter. lahat ay nagyayari dahil may rason.

* kaya tandaan palagi, hindi lahat ng nakikitang mata ay totoo. maraming mapgpanggap. maraming akala mo ay tunay pero pag hinubaran mo ay isa palang ahas.

(note: let nature take its course. ang mangyayari ay mangyayari. hindi nagwawagi ang masasamng balak lalo na kung natatapakan mo ang iyong mga minamahal. mabilis gumalaw ang karma. mag-ingat ka! ikaw na ang isusunod niya!)

No comments: