Will you ever notice me...
Tuesday, February 12, 2008
11:51 AM
Araw ng mga puso. Ipinagdiriwang ito upang ipagsigawan ng mga tao ang hindi matatawarang kapangyarihan ng pag-ibig. Hindi man natin maintindihan kung paano ito nagtatrabaho at gumagalaw ay patuloy tayong naniniwala sa nagagawa nito para sa atin at sa ating buhay. Lahat tayo ay umaasam na sana ay matagpuan natin ang taong kikilala sa ating buong pagkatao at sasamahan tayo hanggang sa ating huling araw sa mundo o higit pa.
Kaya para sa araw ng mga puso ay ipinakikilala ko ang aking pamilya...Ang tatlong henerasyon ng mga taong umiibig at umibig.
Sila ang mga babae sa pamilya namin...mga matatag at matatapang na babaeng humaharap sa hamon ng buhay at pag-ibig. At sa di sinasadyang galaw ng tadhana ay mukhang pare-pareho kami ng landas ng puso na tinatahak.
Si Veronica...ang aking lola.

Nagtagpo sila ni Benjamin noong sila ay bata pa sa kanilang probinsiya...sa Taal, Batangas. Madali silang nagkagustuhan at nagbuo ng relasyon. Tumututol ang pamilya ni Veronica sa pag-iibigan ng dalawa sa kadahilanang marami raw pangarap ang mga magulang niya sa kanya. Mahirap din daw na hindi niya makikita ang kasintahan ng mdalas sa kadahilanang mula pa sa Pampanga si Benjamin. Pero matigas ang ulo ni Veronica. Ipinaglaban niya ang pagmamahal kay Benjamin. Kung sa pangarap din lang namn ng kaniyang mga magulang, ayaw niyang tumulad sa kanyang mga kapatid na babae na naging guro at tumandang dalaga. Dahil pa dito, ang kanyang paboritong ate ay nabaliw sa kalungkutan. Kung kaya, nagtanan sila ni Benjamin at pumuntang Maynila...dala-dala ang sumpa sa mga sarili na hindi muling babalik sa kani-kanilang probinsiya.
Nagagawa nga naman lahat kapag ginusto at may kasamang pagmamahal. Kinaya ng dalawang buhayin ang mga sarili. Nagtayo na rin sila ng sariling pamilya. Bagama't hindi mayaman ay naibibigay naman nila ang mga kinakailangan ng mga anak. Nagkaroon sila ng walong anak na nabuhay. Si Alberto, Zenaida, Corazon, Minerva, Lucia, Benigno, Monica at Maria.
Nagsama silang dalawa ng matiwasay. Kahit na nalaman pa ni Veronica na nagkaanak si Benjamin sa ibang babae ay hindi siya nakipaghiwalay dito. Sa kasawiang palad, ay maagang namatay ang babaeng naanakan ni Benjamin. Kung kaya, inako ni Veronica ang anak nito at itinuring niyang parang sa kanya.
Marubdob ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Na kahit na nao na yata ay hindi sila maaring mapaghiwalay. Natatandaan ko pa noong bata pa ako ay nagkukuwento pa si lola kung paano sila maglambingan.
Dahil sa paninigarilyo ay namatay si Benjamin. Nalungkot si Veronica. Pero hindi natapos doon ang pagmamahal niya sa asawa. Hanggang ngayon ay nakukuwento niyang dinadalaw pa rin siya nito sa panaginip upang kahit doon ay mabuhay ang kanilang pagmamahalan.
Si Corazon...ang aking ina.

Pangatlo siya sa magkakapatid. Kahit hindi panganay ay siya ang nagsilbing pinaka-ate sa mga nakakabatang kapatid dahil na rin sa maagang pag-aasawa ng kanyang kuya at ate. SIya na rin ang naging katulong ng mga magulang sa negosyo at bahay. Kahit kailan ay hindi nagreklamo si Corazon tungkol doon. Sinunod niya ang lahat ng utos ng magulang kahit ang naging kapalit noon ay ang kanyang pag-aaral. Isinuko niya ang pag-aaral upang ituon lahat ng oras at pagmamahal niya para sa pamilya. Lahat ng hirap ay tiniis niya. Kahit mawalan siya ng sariling buhay ay ginawa niya.
Minsan nga, hanggang ngayon ay pinag-aawayan pa rin namin kung bakit niya pinagpalit ang edukasyon para sa pamilya niya. Ang lagi naman niyang sagot ay dahil daw mahal niya ang mga ito. At hindi naman daw iyon ang kailangan para maghusgahan siya ng tao. Minsan naniniwala na rin ako sa kanya. Dahil sa kanilang lahat na magkakapatid, siya ang pinakasuccessful at may kaya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Florendo. ang una at huling lalakeng minahal ni Corazon. Bagamat nagmamahalan na, ay pinaghintay pa rin ng matagal ni Corazon ang lalake upang matiyak lamang na bago siya lumagay sa tahimik ay maayos na ang buhay ng kanyang mga kapatid. Dahil doon, ay matanda nang nakapag-asawa si Corazon. Mabuti at nabiyayaan sila ni Florendo ng isang anak na ubod ng galing at ganda...kahit na maldita.
Pero wala ata sa kapalaran talaga ni Corazon ang maging asawa. Mabilis dumating ay mabilis ding nawala. Matapos ang ilang buwan matapos ipanganak ang anak nila ay binawian na ng buhay si Florendo dahil sa sakit sa puso.
Hindi na naghanap pa ng iba si Corazon mula noon. Muli siyang bumalik sa pinakaalam niyang bagay sa mundo-iyon ay ang pagmamahal sa pamilya. Imalagaan niya ng buong puso ang anak at itinaguyod ito. Minahal niya ito ng buong-buo kahit ano pa ito.
At sa huli...si Maldita

Siya ang butihing anak ni Corazon. "Unica Hija" ng pamilya. Dahil sa maagang pagkamatay ng ama ay pinalaking mag-isa ng kanyang ina. Ngunit hindi naman siya nagkulang ng pagmamahal mula dito. Nakuha lahat ni Maldita ang kinakailangang pagmamahal mula sa ina upang matawag ngang isang pamilya ang kung ano mang meron sila kahit na walang tatay.
Pinalaki siya ng kaniyang ina na puno ng prinsipyo at tamang paniniwala sa buhay...na kaniya rin namang dinadala magpahanggang ngayon. Isa sa mga mahahalagang itinuro sa kanya ng ina ay ang katotohanang hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo sa buhay. Kahit nag-iisang anak lang siya, mula pa noong bata, ay sinisigurado ng kaniyang ina na hindi sa lahat ng panahon ay ibibigay nito ang lahat ng gusto ng bata.
Laging sinasabi ni Corazon sa anak na "Hindi ka dapat masanay na makuha lahat ng gusto mo. Dapat matuto ka rin mafrustrate kung minsan. Hindi magandang makuha mo ang lahat ng gusto mo. Dahil paglaki mo at nasanay kang ganyan ay masasaktan ka lang dahil hindi mo laging makukuha ang nais mo sa tunay na mundo".
Bata pa lang noon si Maldita ngunit ganito na kalalim ang mga itinuturong aral sa kanya ng ina.
AT ngayong malaki na siya ay natatandaan niya pa rin iyon. Lagi niyang isinasapuso ang aral na ito.
Ngunit minsan kapag nag-uusap kami ng sarilinan ay nalulungkot pa rin siya. Dahil sa kahit na masyado na niyang naisapuso ang aral ay hindi niya pa rin ito maintindihan ng lubusan.
Lalo na at ang pinakamalaki naman niyang inaasam lang buong buhay ay matagpuan ang taong mamahalin niya at mamahalin siya pabalik.
Tatlong nilalang...
Isang nagmahal ng buo at ipinaglaban ang pag-ibig hanggang kamatayan...
Isang nagmahal at nagsikripisyo ng buhay para sa iba.
At isang nagmahal at hanggang ngayon ay patuloy na umaasang mamahalin siya...
Ito ang tatlong henerasyon ng mga mangingibig sa aking pamilya.
Will you ever notice me...
Wednesday, February 06, 2008
12:16 PM
Buhay nga naman...
Ilalagay ka talaga nito sa mga pagkakataong hindi mo minsan maintindihan.
Nakita ko ang aking sarili sa kani-kanina lang sa isang mala-REALITY TV na sitwasyon.
Ang title ng palabas... "For LOVE or PRIDE".
Para rin itong sikat na For Love or Money, kung saan sa huli, ay mamimili ang nanalo between the cash prize or yung tao.
With a twist nga lang ito.
Imbis na sa isang bahay ang setting ay sa isang Pre-school ang lugar. Hindi ko kinakailangang tumira doon. Kinakailangan lang na magtagal ako doon at makihalubilo sa mga tao kasama na si tooot. In line kasi ito sa malakihang selebrasyon na ipinagdiriwang ng institusyon kung saan napapabilang ang aming organisasyon ni tooot. Hindi naman siguro namin makukuha ang pangalan ng organisasyon namin kung hindi rin sa pangalan ng institusyon.
Ang group task sa reality show ay maghanda ng isang maikling skit para sa mga taga pre-school at pati na rin sa mga tao sa baranggay doon.
Ang personal task ko, to spend more time with tooot.
Pero unlike the real show, marami kang kalaban at lahat kayo ay mag-aagawan para sa puso ng isa while keeping in mind na maari ka ring manalo ng malaking amount ng salapi.
Sa show ko, wala akong kalaban...kung meron man ay wala sila doon. Aking-akin si tooot ng mga panahong iyon.
Ang kalaban ko lamang ay ang aking sarili: Ang aking kaartehan at kasinglaki ng aparador na PRIDE.
Kahit hindi naman ako talaga kasama sa lakad ay isiningit ko talaga ang aking sarili for moral suport keme at siyempre for tooot. Noong mga unag parte ay ok pa. Nag-uusap kami ng matagal at as usual ay nag-eenjoy kami sa company ng isa't-isa...
Hanggang sa...
Hindi ko alam na isa pa lang buong programa ang pupuntahan namin(may prayer, games, intermission and all that kumembulars) na tale note ay kasama ang mga lider ng institusyon. Ang siyang mga lider na pumutol sa isa sa mga pinakamalaki kong pangarap sa buhay.
Pagdating namin doon ay asiwa na ako, hindi na ako nakapagfocus. Umiral na ang ipinagmamalaki kong pride. Umaandar sa isip ko na it feels weird being there...helping those people na ayokong-ayoko na makita. Hindi ako mapakali.
Kaya nagstatement na ako. Sabi ko dahil sobrang init ay pagkatapos ng performance ng aking mga kasama ay aalis na ako. Buti na lang ay may isa akong kaorg na sumegunda at ninais na sumama.
Pero hindi pa rin ako nagpatalo, nilapitan ko siya at inaya.
Pero again, knowing tooot...maarte siya! Punyeta! Noong una ay pumayag na siya, pero sa kahulihulihan ay nagpasya pa ring manatili na lamang doon at sumabay sa sasakyan na pabalik sa institusyon.
Kainis di ba?
Kaya ang verdict ng show...nanalo ako dahil naipaglaban ko ang gusto ng aking sarili na wag magpailalaim sa mga lider ng institusyon. Pero talo dahil hindi naman iyon ang point ng pasali ko di ba? Ang gusto ko ay makasama siya.
Mahirap nga namang kalabanin ang sarili mo.
Will you ever notice me...