Wednesday, November 02, 2011

Paano Na Nga Ba?


Paano na nga ba?

...ang pakiramdam ng kiligin na para kang bulateng sinabuyan ng asin.

...ang tubuan ng pimple na hindi dahil sa pagkalimot na gumamit ng facial wash.

...ang magpabaling-baling sa kama wishing na pagbalikwas mo, katabi mo na siya.

...ang gumising ng may automatic smile dahil siya ang una mong naalala.

...ang magmadaling matulog dahil alam mong hanggang panaginip nandun pa rin siya.

...ang magpaload ng sobra dahil pagnagtext siya kailangang magreply ka.

...ang tanungin ka lang kung kumain ka na ba? buong araw okay ka na.

...ang tumingin sa iba pero lahat sila para sayo kamukha niya.

...ang makinig ng mga kanta at lahat bagay sa masaya niyong kuwento.

...ang pakiramdam na kahit anung mangyari hindi masisira araw mo.

...ang may iba kang kasama aside sa mga kaibigan mo.

...ang umeffort para sa mga bagay na magpapaligaya sa kanya.

...ang magmahal.


Paano na nga ba?

Matagal na rin pala...

Nakalimutan ko na.

1 comment:

Meow Opre said...

This song is both bitter and sweet but over all I like it. The reason why I am soo into the movie of Piolo and Sarah. I and my brother tried on determining the guitar chords :D Paano Ba Ang Magmahal Lyrics and Chords