Sunday, February 14, 2010

Boylet... I Invoke Thee...!!!

Diosa ng Pag-ibig
Dinggin ang aking Hiling
Diosa ng Pag-ibig
Pakinggan ang Daing

Mula sa Olympus
Ikaw ay bumaba
Kapangyarihan mo ay ipamalas
Sa lingkod mong Aba

Nais ko ay lalake
Na aking Iibigin
Nais ko ay binata
Na ang Iibigi'y ako rin

Ang nais ko'y katulad
Ni Tachibana Keisuke (Joo Ji Hoon, Antique Bakery)


Na mapagmahal at maalaga

Ang nais ko'y katulad
Ni Chandler Bing (Matthew Perry, FRIENDS)


Na masaya at mahilig magpatawa

Ang nais ko'y katulad
Ni Gu Jun Pyo (Lee Min Ho, Boys Over Flowers)


Na ipagtatanggol ako sa lahat ng laban

Ang nais ko'y katulad
Ni Tamahome (Fushigi Yuugi)


Na tatalunin kahit kabilang mundo para sa aming pagmamahalan

Ang nais ko'y katulad
Ni Draco Malfoy (Tom Felton, Harry Potter)


Na loyal at naninindigan

Ang nais ko'y katulad
Ni Daniel Vosovic (Project Runway Season 2)


Na sa arts ay walang kapantay

Ang nais ko'y katulad
Ni Johnny Castle (Patrick Swayze, Dirty Dancing)


Na nangunguna sa sayawan
At ng ang aking pinapangarap na sayaw ay aking mabigyang buhay

At huli

Ang nais ko'y katulad
Ni Chuck Bass (Ed Westwick, Gossip Girl)


Na mamahalin ako ng buong puso
At ilalabas ang mabuti at masama sa aking pagkatao

O diosang makapangyariyan
Ako po ay pakinggan
Sawa na ang inyong lingkod
Na paulit-ulit masaktan




Diosa ng Pag-ibig
Dinggin ang aking Hiling
Diosa ng Pag-ibig
Pakinggan ang Daing

Mula sa Olympus
Ikaw ay bumaba
Kapangyarihan mo ay ipamalas
Sa lingkod mong Aba



*Ito ay version ko lang ng "love spell" kung ako man ay magcoconjure ng isang "perfect guy". Katuwaan lang.


HAPPY VALENTINES DAY everyone!!!!! I AM BACK!