Tuesday, July 18, 2006
Anino
matagal ko na dapat ipopost ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng mahabang ora para gawin.
last week, habang me and jmee are brainstorming for my december prod. script na tungkol sa mga ka-bitteran sa buhay e naikuwento ni jamee yung experience niya.
sa village nila e medyo poor ang lighting ng mga daan. isang gabi e napag-isipan niyang lumabas at bumili sa nearby tindahan. medyo malayo ang lamp post at doon lang siya umaasa ng light para makita niya ng maliwanag ang daan. pero what bothered her e while she was trying to find her light e her shadow keeps on getting in her way. hinaharangan siya.
tapos, naconnect namin iyon sa pinag-uusapan namin about life. minsan kaya, kahit hindi tayo conscious e ang nakakahinder talaga sa atin para maaccomplish natin ang mga goals natin at marating natin ang gusto natin ay ang mga sarili rin natin?
nag-agree kami pareho na baka nga. pero up to know e binabother pa rin ako noong nadiscover namin. na sarili rin natin ang gumagaw ng monsters na katatakutan natin. tayo gumagawa ng mga sugat na ikamamatay natin at tayo rin ang kumukuha ng mga bato na ipupukpok natin sa sarili nating mga ulo.
nabother ka ba? i-tag mo naman kung ano feel mo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment