Monday, July 24, 2006

INTER.ACT

new friends...theater...lambanog...yosi...baybayin...zen cards...psychic powers...boyfriend...ulan...

Dito sa mga words na ito masasummarize ang nangyari sa akin last saturday and sunday.

Magkakaroon kasi ng team building keme yung inter.act nung saturday. per school e tatlo lang ang kailangang sumama. so amin, sa AA, si REA, si JOHN, si JAMEE at si ate PAT na rin kasi siya naman yung tagakontak. gusto ko sana sumama kaso lang sila lang yung pinili. pero di ko na inisip yun. sabi ko at least makakapagpahinga ako ng saturday. kaso nung 12midnight ng saturday e tinext ako ni ate PAT. malalate dw sila ni REA kaya if i want e sumama daw ako para naman may umattend. so sama naman ako. saya ng feeling. hehe!

Nung umaga, naghintayan kami ni JOHN sa burger machine sa may extremadura. 7:30 ang calltime namin. aba! mag aals otso na wala pa rin si KATANYAG kaya nauna na kami ni JOHN papuntang trinity dahil sila ang nagprovide ng venue para sa morning session ng team building.

as usual nagsimula yung workshop with focus exercises at warm-ups. nagpakita rin kami ng mga ka -AA ko ng skit about our upcoming play entitled aLAMAT. natuwa naman yung mga tao. at dahil doon e naopen na yung topic na knowing your space as an actor. kasi kapag alam mo kung ano ang ginagalawan mo at pinaniniwalaan mong yung space na iyon ang mundo mo e mas magiging madali sayo na maadapt yung character mo.

NAMISS KO OOGLES
e di pagkatapos nung first part e naglunch muna kami. pinaglunch kami doon sa may parang carinderia sa gilid ng trinity. okay lang naman sa akin kasi sanay naman ako kumain sa ganun sa UST kaso lang mga ate...goddluck ginto ang mga pagkain nila. yung normal na 35 na hotsilog 60 sa kanila. yung C2 na maliit...25! pero masarap naman pero hello pa rin... hindi nman nagpapalit ng lasa ang mga hotdog e.!

OVERNIGHT WITH SIR BONG
tapos after our day sa trinity e pumunta na kami sa house ni sir bong(adviser namin sa inter.act) malapit lang ang bahay niya. sa may tomas morato lang sa gilid ng baang coffee. ayun. si sir bong e maraming points of view about thing na kapag kausap mo siya e mamamangha ka sa mga sinasabi niya habang umiinom kami ng espesyal niyang tea. sinabi niya pa nga na ang third eye ay ang kombinasyon ng vision ng left at right eye mo. its just seeing yung magkabilang perspective ng bagay at mundo ng sabay.

INUMAN SESSION.
pagkatapos ng dinner at wrap-up meeting for the day e naglabas ng lambanog si sir bong at uminom kami. habang umiinom kami e nilabas ni sir bong yung BAYBAYIN CARDS niya. 17 cards siya na merong ancient letters na ginagamit ng mga unang filipinos. hindi daw alibata ang tawag doon kasi ang term na alibata ay corrupted na. tapos meron ding parang mga hula sa bawat cards. magtatanong ka lang tapos bubunot ka. e di nagtanong ako. una kong tinanong kung ano ang magiging path ko sa batch namin ngayong hindi na ako officer. at kagulat-gulat ang sagot ay ang syllable na LA at ang nakalagay doon e may lalakeng papasok sa aking kaibuturan at papasukin ako hanggang laman kayat tiisin lang daw ang hapdi...hello? sabi ni sir bong e pag di mo nagetz ang tanong e pde ka daw magtanong ng follow-up. pero ako, that tym hindi malinaw pero nafeel ko na yun talaga yung sagot..ewan...weird... tapos meron naman si kuya JC (friend ni sir bong) na zen card naman. bumunot naman ako doon na nagulat na naman ako. lahat daw kasi ng decision ko ay hindi purely sa akin. kailanagn ko daw gumawa ng sarili kong desisyon. ang tanong ko doon ay ano gagawin ko sa debarrment ko. hehe...saya nga e...at marami pa kaming tinanong like si REA, tinanong niya kung magkakabalikan sila ng ex niya...ang sabi yes! kung mabubunti snsiya...NO! kung baog siya...YES! haha... at kahi paulit-ulit siyang magtanong e ganun pa rin yung sagot. meron pa ngan tym na ang sgaot na ng cards ay tapos na at tama na, bumalik na lang bukas...napagod na siguro yung cards...hehe!

PSYCHIC POWERS AT THIRD EYE...
ever since i was a chil ay alam kong meron tayong lahat na third eye na hindi lang bukas o hindi pa sensitive sa mga bagay around us. pero ive never thought na malaks pala yung akin. buong gabi ay nagsesend sa akin ng mga cles si sir bong at si kuya JC pero hindi ko pinapansin. gusto ko lang magmukhang neutral pero totoo kung di ko alam kung matatawa ako or wut...at least..i have what it takes pala to be powerful in some other ways...hehe!

BOYFRIEND? o BOY FRIEND?
pagkatapos lumabas nung may papasok na lalaki sa buhay ko ay tinanong ko kung yung boylet ko ngayon yung lalakeng iyon..ang sagot...NO! tapos pumasok sa isip ko yung isa namin ka inter.act na crush ko si **** (clue: its what you do kapag nagmamadali ka) wala lang naman...wala namang mawawala. so tinanong ko kung may chance kami...sagot YES! di pa rin nakuntento...baka mali lang...gusto niya ba ako....YES! magiging kami ba...YES! haha! wala lang. wala nman akong panahon para pagmunimunihan lahat ng ito noh pero kakatwa lang. ayoko lang kasing maulit yung nangyari dati. akala ko may chance kami ng isang guy kasi sobrang bait siya and he's showing signs na he like me. pero in the end. gannon lang pala talaga siya...ayokong mag-aasume...kung mangyayari..e di sige...kung hindi at leats friends na kami... at sabi nga rin ng isang hula...kung handa na ako tsaka ibibigay...kung buo na ang loob ko tska ko lang mapapasok ang bagong mundo...

*matapos ang inuman, kwentuhan, palitan ng insights hulaan at kuhg anu-ano pa nag-enjoy ako sa pagmsama sa team building. alam ko na hindi pa iyon huli at marami pa kasunod...saya sobra dahil i met new friends...nice meeting you guys at see you next time...

TRINITY(TEATRO)
Lourds
LA
Laurence and si Nino

MAPUA(TEKNO TEATRO)
Gaile(the fire girl)
Ronald( my co-psychic and dishwashing mate)
most especially Kiki (favorite ni Jmee)

FEU Theater guild
Joseph
Nino

and last but not the least
LETRAN( Teatro de LETRAN)
RUSH ( kasabay ko kahapon pauwi...enjoyed the time sa SM at kwentuhan sa jeep..thanx!...woohoo!)

No comments: