Sunday, July 30, 2006

HEIRS TO MY THRONE...

Ia sa mga nagustuhan kong bagay sa AA(Artistang Artlets) ay ang buddy system nito. Pero ano nga ba ang BUDDY SYSTEM?

*Ang BUDDY SYSTEM ay ang paraan ng AA para maituro sa mga apprentices ang kahalagahan ng AA as an organization, para instill sa mga bata ang pagmamahal sa organization at siyempre to develop mentorship. Sa BUDDY SYSTEM, bubunot ang mga apprentice ng mga codename. Ang mga codename ay nagrerepresent sa isang AA member. It also depends on the chosen theme kung ano ang magiging codename. Katulad ngayong taon na ito, ang codename namin ay mga clothing line. at syempre ang pinili ko ay MALDITA. Pagkatapos, kailangan nilang magsulatan at magkuwentuhan sa mga letters kahit hindi alam nung apprentice kung sinong member ang sinusulatan niya. Masaya ang sulatan. mafifeel mo na kahit mahirap ang trabaho sa AA at awayin ka man ng lahat ng AA ay may isang miyembro na magtatanggol sayo, mamahalin ka at hindi ka iiwan. Aaminin lang kung sino ang bussy kapag nakapasa na ang mga apprentices sa kanilang second interview at mainvite na sa OP(Operasyong Pamilya). Pero siyempre...choice pa rin iyon ng member kung aamin na siya...hehehe!

GINGERBREAD MAN(my first BUDDY)
Noong apprentice pa lang ako, ang una kong naging buddy ay may codename na gingerbread man. excited akong sumulat. shinare ko lahat-lahat sa akin. Sulat ako ng sulat...sulat pa rin ako ng sulat...sulat pa rin ako ng sulat...hanggang sa narealize ko na wala naman pa lang nagrereply. inaabutan na ng pagpapalit ng design ng AA board ang mga sulat ko pero wala pa rin. Naiingit ako noon sa mga co-apprentice ko na laging nagrereply yung mga buddy nila. nagbibigayan pa sila ng chocolates. At ito pa ang malala, akala noon ni kuya steeve (member) na ako yung isa niya pang buddy. sinulat kasi nung classmate ko yung email ko sa letter niya for kuya steeve. sabi ko sa kanya hindi. sabi ko ulit na ang buddy ko ay si gingerbread man. Dahil doon ay nakilala ko kung sino ang tao sa likod ng codename. itago na lang natin siya sa pangalang "jeffrey go" o "kuya jeff". ang nasabi niya lang sa akin ay..."hindi ka naman sumusulat eh." Ako pa ang hindi sumusulat? kaya buti na lang at inampon ako ni ATE ANDY. Kahit hindi kami masyado naging close ni ate andy she has a place in my heart kasi inampon niya ako. at dahil doon ay mahal ko siya.

MY RISE TO POWER...DELY ATAY'ATAYAN chapter
Sabi ko sa sarili ko ay ayokong maranasan ng magiging buddy ko ang naranasan ko kaya mag-eefort talaga akong sumulat. Ang sunod kong naging buddy ay si ANGELO GABRIEL CARAON o "EDGE".


Photobucket - Video and Image Hosting



Officer ako ng 2nd yir ko s AA. I was one of the two LIAISON OFFICERS. At may samkinda' tradition na kung sinong liaison ang tutulong sa secretary na magpabunot sa apprentices ay mabibigyan din ng chance na pumili ng buddy katulad ng mga seniors. unang rason kung bakit ko pinili si edge dahil siya yung apprentice na pagkatapos ng ausition ay di mawala sa isip ko. pangalawa, kailangan may tumayo para magpabasbas sa batch nila para sa grand tradition ng sangkabadingan ng AA. hehe... Nag-enjoy ako kasulatan si edge. nirrerecipriocate niya yung effort na binibigay ko sa mga letters ko sa kanya. Masipag din siyang magreply. ang nakakatawa pa nga eh, bago pa mag-OP ay kilala na niya kung sino ako, pero hindi ko talaga inaamin. Tanga kasi ako. Ang dami ko binigay na clues na sobrang tanga ka na pag di mo nahulaang ako...

1. Officer
2. Journ
3. Bading

ako lang sa mga officers ang may ganyang qualifications.hehehe...

*ANg naging problema lang namin ni edge ay ang mga reklamo na hindi siya efficient sa trabaho. Dumating din yung time na ASM ako sa isang play. Actor siya doon at hindi siya umaattend ng rehearsal. Sobrang napaiyak ko siya dahil minura-mura ko siya sa mga letter ko. I-coconnect ko rin ito sa tampo ko sa kanya dati. Laht kasi halos ng nangyayari sa kanya e ako na yung huling nakakaalam. So, lagi ko sinasabi sa kanya na, paano kita maiintindihan sa situation mo kung hindi mo sinasabi sa akin kung anong lagay mo. Dumating pa sa panahon na minsan hindi ko na siya pinapansin. Kasi feel ko nun ay nabigay ko na sa kanya lahat ng advice pero ayaw niyang tumanggap.

*Buti na lang at okay na kami ngayon, kahit di na siya uste (dahil pareho kami ng kapalran sa school) ay nagpupunta pa rin siya sa uste. Narealize ko rin kasi na hindi ko pedeng i-expect sa kanya lahat ng gusto ko mangyari at magawa niya. May sarili ring buhay si edge. At dapat maggrow siya doon.

MESSAGE FOR EDGE:
EDGE, mahal kita dahil ikaw technically ang unag buddy ko. im so proud of you right now. salamat kasi hindi mo iniiwan ang org natin. mahirap ang buhay pero sino bang may sabi na bawal magpatulong. andito lang ako palague buddy...

DETHRONED(MALDITA's REVENGE)
Ngayong third year ako ay siguro alam niyo na ang nangyari sa akin. ayoko ng i-detalye. Pero nawalan man ako ng position ay nandito pa rin ako sa AA. Ang buddy ko naman ngayon ay si "KATE MAGNO" True name? huwag na nating ilagay.

Photobucket - Video and Image Hosting



*Hindi na ako officer ngayong third year ko pero friend ko naman ang secretary kaya nakapili din ako. SO samae as edge ay pinili ko rin si KATE. Reasons? The first one is the same as edge's. Hindi mawala sa isip ko si KATE kahit tapos na ang audition. Second, nairita ako sa picture niya sa application form at gusto ko siyang i-bitch. Pero as time passes, habang nagsusulatan na kami e narealize ko na she's not worthy of my bitchiness. mabait at sweet si KATE. Natutuwa ako sa kanya kapag nagsusulatan kamiu kasi parang siya yung girl bestfriend mo nung highschool na sinusulatan ka. as in! hehe...

*But unlike EDGE, hindi ko na pinahirapan si KATE na i-figure out na ako talaga ang buddy niya. Tutal naman ay nafofeel ko at naffeel niya na rin na ako na ang buddy niya. Last friday, showcase nila. Bago pa lang silang magshowcase ay kinausap na niya ako. Sabi niya na ako nga daw talaga ang buddy niya. sabi ko nman sa kanya e kapag magaling ang performance niya sa showcase niya e aamin na yung buddy niya. E puta! natuwa naman ako sa ginawa niya kaya wala na akong choice. Hinila ko si EDGE at pumasok kami sa dressing room niya. Binalibag ko ang pinot at sinabing...

"Ito si EDGE. Sa tingin mo anong common sa inyo?"

"Buddy niyo po siya."

"So ano kita?"

"Buddy po."

"Sure ka?"

"Opo"

aT wala na kaming nagawa. Niyakap ko na lang siya at muntik pa kaming magkaiyakang tatlo.

MESSAGE FOR KATE:
Buddy, simula pa lang ito. Marami pa tayong pagsasamahan. Sana maging fruitful din ang pagsasama natin na alam kong OO! Mahal na mahal kita! Basta mahalin mo lang ang AA at mamahalin ka rin niya. dont worry, ako back-up mo kapag may nagaway pa sayo!


EDGE: My FIRST BUDDY. Pero iba kami ng pagtingin sa love.

KATE: My MIRROR IMAGE. Pero very positive siya about life.

WANT TO KNOW THE COMMON THING THAT BINDS US THREE?

WE ARE ALL BITCHES!!!

No comments: