Wednesday, July 05, 2006
KAPAMILYA: POWER or FRIENDSHIP???
*Ang buhay ay laging tungkol sa pagdedesisyon. sa buhay ay marami kang kakaharapin na choices na kailangan mong gawin...
kaliwa o kanan?
lalake o babae?
bakla o tomboy?
diretso o tabingi?
hero o villain?
kapamilya o kapuso?
black o white?
power o friendship?
at kahit anong iwas ang gawin mo o pagbabalewala, darating ang panahon na kailangan mo pa ring mamili. minsan madali pero most of the time ay mahirap. hindi ko naman masisisi ang ibang tao kung ano ang magiging desisyon nila sa buhay. kasi ako ang isang tao na naglalagay ng malaking value sa paniniwala at sariling desisyon. i just hope na kung iyon nga ang desisyon e di panindigan!
*Mamayang gabi ay masasaksihan ang tunggalian ng kung sino ang tunay na nagsasabi ng totoo... ng masama at ng mabuti... ng tunay at huwad... ng tunay na kaibigan at ng ahas. hindi ko alam ang mangyayari. maaring iyon na ang maging katapusan at masolusyunan kaagad ang lahat.(na hinohope ko) pero iba ang tinitibok at isinisigaw ng loob ko. ramdam kong nagsisimula pa lang ang lahat! sana lang ay makapg-usap na ng maayos para marinig namin ang dalawang sides ng mga istorya. pero the evil side of me is saying na kahit naman marinig na ang lahat, sa huli, yung mga sarisarili naming biases pa rin ang magsasalita. doon pa rin kami papanig sa mas gusto naming paniwalaan. mahirap ang lahat. magulo. maraming nasasaktan. mraming nagagalit. hindi ko alam kung kailan magtatapos ito pero sana ay malapit na. marami akong pangarap para sa samahan. mahal ko ito! at hindi ako papayag na angmga ganitong balita lamang ang sisira sa amin.
note: umamin ang tunay na may sala. ilabas mo ang tunay mong kulay kung matapang ka. huwag kang magtago! huwag kang gumalaw ng pailalim dahil gawain iyan ng duwag. tandaan uli...mabilis gumalaw ang KARMA. hindi man ngayon, pero siguradong babaligtarin niya ang mundo para mahanap at pagdusahin ka!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment