Sunday, July 30, 2006

HEIRS TO MY THRONE...

Ia sa mga nagustuhan kong bagay sa AA(Artistang Artlets) ay ang buddy system nito. Pero ano nga ba ang BUDDY SYSTEM?

*Ang BUDDY SYSTEM ay ang paraan ng AA para maituro sa mga apprentices ang kahalagahan ng AA as an organization, para instill sa mga bata ang pagmamahal sa organization at siyempre to develop mentorship. Sa BUDDY SYSTEM, bubunot ang mga apprentice ng mga codename. Ang mga codename ay nagrerepresent sa isang AA member. It also depends on the chosen theme kung ano ang magiging codename. Katulad ngayong taon na ito, ang codename namin ay mga clothing line. at syempre ang pinili ko ay MALDITA. Pagkatapos, kailangan nilang magsulatan at magkuwentuhan sa mga letters kahit hindi alam nung apprentice kung sinong member ang sinusulatan niya. Masaya ang sulatan. mafifeel mo na kahit mahirap ang trabaho sa AA at awayin ka man ng lahat ng AA ay may isang miyembro na magtatanggol sayo, mamahalin ka at hindi ka iiwan. Aaminin lang kung sino ang bussy kapag nakapasa na ang mga apprentices sa kanilang second interview at mainvite na sa OP(Operasyong Pamilya). Pero siyempre...choice pa rin iyon ng member kung aamin na siya...hehehe!

GINGERBREAD MAN(my first BUDDY)
Noong apprentice pa lang ako, ang una kong naging buddy ay may codename na gingerbread man. excited akong sumulat. shinare ko lahat-lahat sa akin. Sulat ako ng sulat...sulat pa rin ako ng sulat...sulat pa rin ako ng sulat...hanggang sa narealize ko na wala naman pa lang nagrereply. inaabutan na ng pagpapalit ng design ng AA board ang mga sulat ko pero wala pa rin. Naiingit ako noon sa mga co-apprentice ko na laging nagrereply yung mga buddy nila. nagbibigayan pa sila ng chocolates. At ito pa ang malala, akala noon ni kuya steeve (member) na ako yung isa niya pang buddy. sinulat kasi nung classmate ko yung email ko sa letter niya for kuya steeve. sabi ko sa kanya hindi. sabi ko ulit na ang buddy ko ay si gingerbread man. Dahil doon ay nakilala ko kung sino ang tao sa likod ng codename. itago na lang natin siya sa pangalang "jeffrey go" o "kuya jeff". ang nasabi niya lang sa akin ay..."hindi ka naman sumusulat eh." Ako pa ang hindi sumusulat? kaya buti na lang at inampon ako ni ATE ANDY. Kahit hindi kami masyado naging close ni ate andy she has a place in my heart kasi inampon niya ako. at dahil doon ay mahal ko siya.

MY RISE TO POWER...DELY ATAY'ATAYAN chapter
Sabi ko sa sarili ko ay ayokong maranasan ng magiging buddy ko ang naranasan ko kaya mag-eefort talaga akong sumulat. Ang sunod kong naging buddy ay si ANGELO GABRIEL CARAON o "EDGE".


Photobucket - Video and Image Hosting



Officer ako ng 2nd yir ko s AA. I was one of the two LIAISON OFFICERS. At may samkinda' tradition na kung sinong liaison ang tutulong sa secretary na magpabunot sa apprentices ay mabibigyan din ng chance na pumili ng buddy katulad ng mga seniors. unang rason kung bakit ko pinili si edge dahil siya yung apprentice na pagkatapos ng ausition ay di mawala sa isip ko. pangalawa, kailangan may tumayo para magpabasbas sa batch nila para sa grand tradition ng sangkabadingan ng AA. hehe... Nag-enjoy ako kasulatan si edge. nirrerecipriocate niya yung effort na binibigay ko sa mga letters ko sa kanya. Masipag din siyang magreply. ang nakakatawa pa nga eh, bago pa mag-OP ay kilala na niya kung sino ako, pero hindi ko talaga inaamin. Tanga kasi ako. Ang dami ko binigay na clues na sobrang tanga ka na pag di mo nahulaang ako...

1. Officer
2. Journ
3. Bading

ako lang sa mga officers ang may ganyang qualifications.hehehe...

*ANg naging problema lang namin ni edge ay ang mga reklamo na hindi siya efficient sa trabaho. Dumating din yung time na ASM ako sa isang play. Actor siya doon at hindi siya umaattend ng rehearsal. Sobrang napaiyak ko siya dahil minura-mura ko siya sa mga letter ko. I-coconnect ko rin ito sa tampo ko sa kanya dati. Laht kasi halos ng nangyayari sa kanya e ako na yung huling nakakaalam. So, lagi ko sinasabi sa kanya na, paano kita maiintindihan sa situation mo kung hindi mo sinasabi sa akin kung anong lagay mo. Dumating pa sa panahon na minsan hindi ko na siya pinapansin. Kasi feel ko nun ay nabigay ko na sa kanya lahat ng advice pero ayaw niyang tumanggap.

*Buti na lang at okay na kami ngayon, kahit di na siya uste (dahil pareho kami ng kapalran sa school) ay nagpupunta pa rin siya sa uste. Narealize ko rin kasi na hindi ko pedeng i-expect sa kanya lahat ng gusto ko mangyari at magawa niya. May sarili ring buhay si edge. At dapat maggrow siya doon.

MESSAGE FOR EDGE:
EDGE, mahal kita dahil ikaw technically ang unag buddy ko. im so proud of you right now. salamat kasi hindi mo iniiwan ang org natin. mahirap ang buhay pero sino bang may sabi na bawal magpatulong. andito lang ako palague buddy...

DETHRONED(MALDITA's REVENGE)
Ngayong third year ako ay siguro alam niyo na ang nangyari sa akin. ayoko ng i-detalye. Pero nawalan man ako ng position ay nandito pa rin ako sa AA. Ang buddy ko naman ngayon ay si "KATE MAGNO" True name? huwag na nating ilagay.

Photobucket - Video and Image Hosting



*Hindi na ako officer ngayong third year ko pero friend ko naman ang secretary kaya nakapili din ako. SO samae as edge ay pinili ko rin si KATE. Reasons? The first one is the same as edge's. Hindi mawala sa isip ko si KATE kahit tapos na ang audition. Second, nairita ako sa picture niya sa application form at gusto ko siyang i-bitch. Pero as time passes, habang nagsusulatan na kami e narealize ko na she's not worthy of my bitchiness. mabait at sweet si KATE. Natutuwa ako sa kanya kapag nagsusulatan kamiu kasi parang siya yung girl bestfriend mo nung highschool na sinusulatan ka. as in! hehe...

*But unlike EDGE, hindi ko na pinahirapan si KATE na i-figure out na ako talaga ang buddy niya. Tutal naman ay nafofeel ko at naffeel niya na rin na ako na ang buddy niya. Last friday, showcase nila. Bago pa lang silang magshowcase ay kinausap na niya ako. Sabi niya na ako nga daw talaga ang buddy niya. sabi ko nman sa kanya e kapag magaling ang performance niya sa showcase niya e aamin na yung buddy niya. E puta! natuwa naman ako sa ginawa niya kaya wala na akong choice. Hinila ko si EDGE at pumasok kami sa dressing room niya. Binalibag ko ang pinot at sinabing...

"Ito si EDGE. Sa tingin mo anong common sa inyo?"

"Buddy niyo po siya."

"So ano kita?"

"Buddy po."

"Sure ka?"

"Opo"

aT wala na kaming nagawa. Niyakap ko na lang siya at muntik pa kaming magkaiyakang tatlo.

MESSAGE FOR KATE:
Buddy, simula pa lang ito. Marami pa tayong pagsasamahan. Sana maging fruitful din ang pagsasama natin na alam kong OO! Mahal na mahal kita! Basta mahalin mo lang ang AA at mamahalin ka rin niya. dont worry, ako back-up mo kapag may nagaway pa sayo!


EDGE: My FIRST BUDDY. Pero iba kami ng pagtingin sa love.

KATE: My MIRROR IMAGE. Pero very positive siya about life.

WANT TO KNOW THE COMMON THING THAT BINDS US THREE?

WE ARE ALL BITCHES!!!

Saturday, July 29, 2006

tapos na tapos na...

TAPOS NA...TAPOS NA...

Ganoon talaga siguro ang buhay...
Hindi ko sinusulat ito dahil nasaktan ako. sinusulat ko ito dahil nanghihinayang ako, nalulungkot ako, at sumampal sa akin ang katotohanang lahat ng mga bagay ngayon sa mundo ay nakukuha ng madalian.

Wala na. Wala na ang lovelife na pinag-ubusan ko ng panahon. Wala na ang lalakeng akala ko kayang lampasan ang bakod ng katigasan ng pagkatao ko. Wala na siya.

Kagabi, tinext ko siya. Ang tagal na kasi niyang hindi tumatawag at nagtetext sa akin. Being in that situation before, alam ko there is something happening sa likod ko. kaya sabi ko sa kanya, last na text ko na sayo ito. kapag di ka nagreply o tumawag bahala ka na sa buhay mo.

Nagulat ako sa reply na, "CYRIL? ah kasi may nagbabawal na kasi sa akin na tumawag at magtext sayo."

Nagreply ako..."Bhaket, my someone ka na?"

"Oo. sori ngaun ko lang nasabi. Akala ko kasi dati hindi mo ako gusto."

" Ah ganun?"

"Oo. sinabi ko narin sayo para di ka na umasa (AS IF!) sori kung nasaktan kita."

NAg-init na talaga ulo ko..."Actually, hindi ako nasaktan! Sayang lang...Napatunayan ko lang na lahat ng bagay ngayon e nakukuha ng madalian. Siguro nga pangmadalian ka lang. Hindi kasi ako ganoon. Ayokong makipagrelasyon kung pangsex lang. Gusto ko mahal ko! Goodluck! Sana maging masaya kayo."

Nagreply siya..." Ang sakit naman ng sinabi mo. hindi lang naman kami pangsex lang (AS IF I CARE) pero di kita masisisi.

Sabi ko..." Pasensya ka na ha...hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit lahat ng bagay ay minamadali."

At doon na nagtapos.

At alam kong wala ng kasunod.

Mabuti na lang hindi na ako katulad ng dati na madaling umasa.

Dati na bawat galaw ng lalake ay binibigyang kahulugan.

Buti na lang at mas matatag na ako ngayon...

Pero kahit matatag na ako...masakit pa rin in the sense na parang naapakan na naman ang pagkatao ko...

SIguro nga hindi ako sweet sa standards ng nakakarami. pero putang ina! kayo na lang ba lagi ang iintindihin ko. sawa na akong mabuhay para sa mga expectations niyo sa akin!

HINDI ako SWEET

HINDI ako MALAMBING

HINDI ako EASY

HINDI ako PANGSEX LANG

PUTANG INA! PERO MAS TAO AKO SA INYO DAHIL HINDI LANG AKO SA PANGLABAS TUMITINGIN at MATAAS ANG TINGIN KO SA PAG_IBIG KAYA KUNG HINDI LANG TOTOO AT BUO MABUTING HINDI NA LANG AKO UMIBIG!

Wednesday, July 26, 2006

...

ala tlga ako plano mag-blog kaso gusto ko lang i-raise itong mga points na ito. ito kasi yung pinag-iisipan ko ngayon...

1. bhaket may mga taong hindi makuntento?
2. bhaket may mga taong gustong dinadown yung sarili nila at minamaliit?
3. napakahalaga ba ang pagkakaroon ng special someone?
4. masama ba akong makitungo sa mga tao?
5. masakit pala kapag mabuti ang ginagawa mo sa tao pero ang tingin nila sayo ay masama.

eun lang...gusto ko lang sabihin.

in my next post e ieelaborate ko itong mga points na ito.

Monday, July 24, 2006

When there was me and you...

i just love the song...this is from high school musical

When There Was Me and You



It's funny when you find yourself
Looking from the outside
I'm standing here but all I want
Is to be over thereWhy did I let myself believe
Miracles could happen
Cause now I have to pretend
That I don't really care


I thought you were my fairytale
A dream when I'm not sleeping
A wish upon a star
Thats coming true
But everybody else could tell
That I confused my feelings with the truth
When there was me and you


I swore I knew the melody
That I heard you singing
And when you smiled
You made me feel
Like I could sing along
But then you went and changed the words
Now my heart is empty
I'm only left with used-to-be's
Once upon a song


Now I know your not a fairytale
And dreams were meant for sleeping
And wishes on a star
Just don't come true
Cause now even I tell
That I confused my feelings
with the truth
Cause I liked the view
When there was me and you


I can't believe thatI could be so blind
It's like you were floating
While I was falling
And I didn't mind


Cause I liked the view
Thought you felt it too
When there was me and you

INTER.ACT

new friends...theater...lambanog...yosi...baybayin...zen cards...psychic powers...boyfriend...ulan...

Dito sa mga words na ito masasummarize ang nangyari sa akin last saturday and sunday.

Magkakaroon kasi ng team building keme yung inter.act nung saturday. per school e tatlo lang ang kailangang sumama. so amin, sa AA, si REA, si JOHN, si JAMEE at si ate PAT na rin kasi siya naman yung tagakontak. gusto ko sana sumama kaso lang sila lang yung pinili. pero di ko na inisip yun. sabi ko at least makakapagpahinga ako ng saturday. kaso nung 12midnight ng saturday e tinext ako ni ate PAT. malalate dw sila ni REA kaya if i want e sumama daw ako para naman may umattend. so sama naman ako. saya ng feeling. hehe!

Nung umaga, naghintayan kami ni JOHN sa burger machine sa may extremadura. 7:30 ang calltime namin. aba! mag aals otso na wala pa rin si KATANYAG kaya nauna na kami ni JOHN papuntang trinity dahil sila ang nagprovide ng venue para sa morning session ng team building.

as usual nagsimula yung workshop with focus exercises at warm-ups. nagpakita rin kami ng mga ka -AA ko ng skit about our upcoming play entitled aLAMAT. natuwa naman yung mga tao. at dahil doon e naopen na yung topic na knowing your space as an actor. kasi kapag alam mo kung ano ang ginagalawan mo at pinaniniwalaan mong yung space na iyon ang mundo mo e mas magiging madali sayo na maadapt yung character mo.

NAMISS KO OOGLES
e di pagkatapos nung first part e naglunch muna kami. pinaglunch kami doon sa may parang carinderia sa gilid ng trinity. okay lang naman sa akin kasi sanay naman ako kumain sa ganun sa UST kaso lang mga ate...goddluck ginto ang mga pagkain nila. yung normal na 35 na hotsilog 60 sa kanila. yung C2 na maliit...25! pero masarap naman pero hello pa rin... hindi nman nagpapalit ng lasa ang mga hotdog e.!

OVERNIGHT WITH SIR BONG
tapos after our day sa trinity e pumunta na kami sa house ni sir bong(adviser namin sa inter.act) malapit lang ang bahay niya. sa may tomas morato lang sa gilid ng baang coffee. ayun. si sir bong e maraming points of view about thing na kapag kausap mo siya e mamamangha ka sa mga sinasabi niya habang umiinom kami ng espesyal niyang tea. sinabi niya pa nga na ang third eye ay ang kombinasyon ng vision ng left at right eye mo. its just seeing yung magkabilang perspective ng bagay at mundo ng sabay.

INUMAN SESSION.
pagkatapos ng dinner at wrap-up meeting for the day e naglabas ng lambanog si sir bong at uminom kami. habang umiinom kami e nilabas ni sir bong yung BAYBAYIN CARDS niya. 17 cards siya na merong ancient letters na ginagamit ng mga unang filipinos. hindi daw alibata ang tawag doon kasi ang term na alibata ay corrupted na. tapos meron ding parang mga hula sa bawat cards. magtatanong ka lang tapos bubunot ka. e di nagtanong ako. una kong tinanong kung ano ang magiging path ko sa batch namin ngayong hindi na ako officer. at kagulat-gulat ang sagot ay ang syllable na LA at ang nakalagay doon e may lalakeng papasok sa aking kaibuturan at papasukin ako hanggang laman kayat tiisin lang daw ang hapdi...hello? sabi ni sir bong e pag di mo nagetz ang tanong e pde ka daw magtanong ng follow-up. pero ako, that tym hindi malinaw pero nafeel ko na yun talaga yung sagot..ewan...weird... tapos meron naman si kuya JC (friend ni sir bong) na zen card naman. bumunot naman ako doon na nagulat na naman ako. lahat daw kasi ng decision ko ay hindi purely sa akin. kailanagn ko daw gumawa ng sarili kong desisyon. ang tanong ko doon ay ano gagawin ko sa debarrment ko. hehe...saya nga e...at marami pa kaming tinanong like si REA, tinanong niya kung magkakabalikan sila ng ex niya...ang sabi yes! kung mabubunti snsiya...NO! kung baog siya...YES! haha... at kahi paulit-ulit siyang magtanong e ganun pa rin yung sagot. meron pa ngan tym na ang sgaot na ng cards ay tapos na at tama na, bumalik na lang bukas...napagod na siguro yung cards...hehe!

PSYCHIC POWERS AT THIRD EYE...
ever since i was a chil ay alam kong meron tayong lahat na third eye na hindi lang bukas o hindi pa sensitive sa mga bagay around us. pero ive never thought na malaks pala yung akin. buong gabi ay nagsesend sa akin ng mga cles si sir bong at si kuya JC pero hindi ko pinapansin. gusto ko lang magmukhang neutral pero totoo kung di ko alam kung matatawa ako or wut...at least..i have what it takes pala to be powerful in some other ways...hehe!

BOYFRIEND? o BOY FRIEND?
pagkatapos lumabas nung may papasok na lalaki sa buhay ko ay tinanong ko kung yung boylet ko ngayon yung lalakeng iyon..ang sagot...NO! tapos pumasok sa isip ko yung isa namin ka inter.act na crush ko si **** (clue: its what you do kapag nagmamadali ka) wala lang naman...wala namang mawawala. so tinanong ko kung may chance kami...sagot YES! di pa rin nakuntento...baka mali lang...gusto niya ba ako....YES! magiging kami ba...YES! haha! wala lang. wala nman akong panahon para pagmunimunihan lahat ng ito noh pero kakatwa lang. ayoko lang kasing maulit yung nangyari dati. akala ko may chance kami ng isang guy kasi sobrang bait siya and he's showing signs na he like me. pero in the end. gannon lang pala talaga siya...ayokong mag-aasume...kung mangyayari..e di sige...kung hindi at leats friends na kami... at sabi nga rin ng isang hula...kung handa na ako tsaka ibibigay...kung buo na ang loob ko tska ko lang mapapasok ang bagong mundo...

*matapos ang inuman, kwentuhan, palitan ng insights hulaan at kuhg anu-ano pa nag-enjoy ako sa pagmsama sa team building. alam ko na hindi pa iyon huli at marami pa kasunod...saya sobra dahil i met new friends...nice meeting you guys at see you next time...

TRINITY(TEATRO)
Lourds
LA
Laurence and si Nino

MAPUA(TEKNO TEATRO)
Gaile(the fire girl)
Ronald( my co-psychic and dishwashing mate)
most especially Kiki (favorite ni Jmee)

FEU Theater guild
Joseph
Nino

and last but not the least
LETRAN( Teatro de LETRAN)
RUSH ( kasabay ko kahapon pauwi...enjoyed the time sa SM at kwentuhan sa jeep..thanx!...woohoo!)

Tuesday, July 18, 2006

Anino


matagal ko na dapat ipopost ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng mahabang ora para gawin.

last week, habang me and jmee are brainstorming for my december prod. script na tungkol sa mga ka-bitteran sa buhay e naikuwento ni jamee yung experience niya.

sa village nila e medyo poor ang lighting ng mga daan. isang gabi e napag-isipan niyang lumabas at bumili sa nearby tindahan. medyo malayo ang lamp post at doon lang siya umaasa ng light para makita niya ng maliwanag ang daan. pero what bothered her e while she was trying to find her light e her shadow keeps on getting in her way. hinaharangan siya.

tapos, naconnect namin iyon sa pinag-uusapan namin about life. minsan kaya, kahit hindi tayo conscious e ang nakakahinder talaga sa atin para maaccomplish natin ang mga goals natin at marating natin ang gusto natin ay ang mga sarili rin natin?

nag-agree kami pareho na baka nga. pero up to know e binabother pa rin ako noong nadiscover namin. na sarili rin natin ang gumagaw ng monsters na katatakutan natin. tayo gumagawa ng mga sugat na ikamamatay natin at tayo rin ang kumukuha ng mga bato na ipupukpok natin sa sarili nating mga ulo.

nabother ka ba? i-tag mo naman kung ano feel mo...

out of place


kagabi, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong na out of place. yung pakiramdam na hindi ko alam kung kanino ako sasama.

chaka nga e, kasi natatandaan ko, nafeel ko itong feeling na ito noong apprentice pa ako. pero ngayon? ang tagal ko na sa AA. well established na ang name ko sa org. na pinakamamahal ko. ngayon pa?

hindi ko alam kung anong explanation.

hindi ko alam kung bakit.

siguro minsan diratnan na lang ako ng mga sudden emotional keme.

o baka talgang hindi pa ako nakakpag move on.

haay, buhay!

sana hindi na ito maulit..kasi sobrang near na ako sa pagcry kagabi. so not me, pero totoo.

bitter to the core...?

well, pano ba ito?

konti pa lang ang nakakaalam nito (munch, nikki, jaymar, jmee, mingu, ate pat, mhark and john) so sa mga hindi pa nakakaalam ay oo! may lovelife ata ako ngayon...basta, to cut the story short e may parang so called suitor ako ngayon...we text regularly and he calls me every night.

siyempre pa-girl na naman ang ate niyo. kasi parang nagmamadali siya. nagtatampo na siya kapag hindi ako nagtetext and all that crap. well, nasabi ko na naman sa kanya na pagdating ng july e madalang ko na siyang matetext kasi i have to text my actors for the major production ng aming org na AA dahil stage manager ako. basta sabi ko sa kanya na gusto ko na tinitext siya(plastik ako pag sinabi kong hindi) pero somtimes lang e the situation doesnt permit me. sabi ko rin sa kanya na wag muna siya mag-expect ng kahit ano from me right now. kung darating kami doon e di pupunta doon. sinabi ko rin na sana e wag namin madaliin ang mga bagay. kasi naman di ba, mas maganda na one step at a time ang drama kasi di pa naman namin kilala ang isat-isa ng sobra. para at least kung may mabuong feelings e maganda, kung wala at least walang nag-expect at wala ring masasaktan.

so okay na nga kami sa ganoon. tumatawag na lang siya sa aking gabi-gabi para mangumusta and all that shit. tapos, noong isang gabi ay may nasabi siya sa akin na sobrang tumatak sa isip ko and sobrang naiwan talaga akong nagtatanong...

habang nagkausap kami e pasweet siya. e cyempre hindi naman ako pa-sweet na tao noh(go jaymar!) kaya hindi ko pinapansin yung mga parinig niya and all. tapos bigla niyang sinabi na "ano ka ba? wala ka ba talagang sweetness sa katawan? bitter na bitter ka." siyempre naman, to defend myself e sinabi kong "sorry ha, hindi talaga ako sweet, if you are looking for someone sweet then i guess hindi ako yung hinahanap mo." hehehe. pero hindi naman kami nagbangayan or what. natapos pa rin yung conversation ng maganda.

pero sobrang nabother ako. wala ba talagang sweetness sa katawan ko? o mali lang ang perception ng mga tao sa sweetness. kasi honestly, ganito na talaga ako dati pa. bago pa ako maging bitter sa love e medyo cynical na ang view ko sa life. mataray na ako. prangka. and most of all e hindi pasweet. kaya hindi ko talaga alam kung na sa akin ang problema o sa pag-iisip lang ng ibang tao. sabi nga nila mingu and jmee nung tinanong ko sila about this matter e my sweetness daw lies sa pagiging totoo ko. ang pagiging totoo ko daw sa sarili at sa pagview ng mga bagay ang sweetness ko kasi napapakita ko sa kanila yung totoo.

so kung iba pala ang view ng ibang tao sa sweetness meaning kailangan mong magpasweet at maki ride-on sa mga patethic na bagay e siguro hindi nga ako sweet. at kung iyon lang ang paraan para magkaroon g boyfriend e di huwag na lang. matagal ko nang natanggap at sinabi sa sarili ko na hindi ko kailangan magbago para sa mga tao. tinatanggap ko kayo kung ano kayo kaya dapat tanggapin niyo rin ako. sabi nga ni kuya tupe " bend or break lang iyan."

Sunday, July 16, 2006

*sobrang cute nito...nasa multiply ko itoh originally kaso wala ng paglagyan nung nagbago ako ng skin dito sa blogspot...

Please Hear What I am not Saying
(Author Unknown)
Don't be fooled by me. Don't be fooled by the face I wear. For I wear a mask, a thousand masks, masks that I'm afraid to take off, and none of them is me. Pretending is an art that's second nature with me, But don't be fooled. I give you the impression that I'm secure, that all is sunny and unruffled with me, within as well as without, that confidence is my name and coolness my game, that the water's calm and I'm in command, and that I need no one. But don't believe me. My surface may seem smooth but my surface is my mask, ever-varying and ever-concealing. Beneath lies no complacence. Beneath lies confusion and fear and aloneness. But I hide this. I don't want anybody to know it.
I panic at the thought of my weakness and fear being exposed. That's why I frantically create a mask to hide behind, a nonchalant sophisticated facade, to help me pretend, to shield me from the glance that knows. But such a glance is precisely my salvation. My only hope and I know it. That is, if it's followed by acceptance, if it's followed by love. It's the only thing that can liberate me from myself, from my own self-built prison walls, from the barriers I so painstakingly erect. It's the only thing that will assure me of what I can't assure myself that I'm really worth something.
But I don't tell you this. I don't dare. I'm afraid to. I'm afraid your glance will not be followed by acceptance, will not be followed by love, I'm afraid you'll think less of me, that you'll laugh, and your laugh would kill me. I'm afraid that deep-down I'm nothing, that I'm just no good. and that you will see this and reject me.
So I play my game, my desperate pretending game, with a facade of assurance without and a trembling child within. So begins the glittering but empty parade of masks, and my life becomes a front. I idly chatter to you in the suave tones of surface talk. I tell you everything that's really nothing, and nothing of what's really everything, of what's crying within me. So when I'm going through my routine, do not be fooled by what I'm saying. Please listen carefully and try to hear what I'm not saying, what I'd like to be able to say, what for survival I need to say, but what I can't say.
I don't like to hide. I don't like to play superficial phony games. I want to stop playing them. I want to be genuine and spontaneous and me, but you've got to help me. You've got to hold out your hand even when that's the last thing I seem to want. Only you can wipe away from my eyes the blank stare of the breathing dead. Only you can call me into aliveness. Each time you're kind and gentle and encouraging, each time you try to understand because you really care, my heart begins to grow wings, very small wings, very feeble wings, but wings! With your power to touch me into feeling. You can breath life into me. I want you to know that.
I want you to know how important you are to me, how you can be a creator-an honest-to God creator- of the person that is me, if you choose to. You alone can break down the wall behind which I tremble, You alone can release me from my shadow-world of panic and uncertainty, from my lonely prison, if you choose to. Please choose to. Do not pass me by. It will not be easy for you.
A long conviction of worthlessness builds strong walls. The nearer you approach to me the blinder I may strike back. It's irrational, but despite what the books say about man, often I am irrational. I fight against the very thing that I cry out for. But I am told that love is stronger than strong walls, and in this lies my hope. Please try to beat down those walls with firm hands, but with gentle hands, For a child is very sensitive.
Who am I, you may wonder? I am someone you know very well. For I am every man you meet and I am every woman you meet

Saturday, July 15, 2006

Isang gabi kasama ang ALUNSINA

hay naku! im here at SM San Lazaro NETOPIA...kagagaling ko lang sa hauz nila myx kasi nag-overnight sila for their upcoming showcase. so masaya naman kahit konti. syempre nandun AKO, si ANNE, si MYX na may-ari ng hauz, si direk LK na umuwi din ng 12, si techie RIANNE na natuwa ako sa kanya kagabi, at ang mga aarteng si JOESIE, yung isang girl na nakalimutan ko na ang name pero eunice yung neym ng karakter na ipoportray niya at cyempre si KATE.

so lets start the kwento...

RANTS OF A JUNIOR AA MEMBER...
i was not expecting naman na ganoon kakonti ang pupunta. HELLO?! kelan ba ang critics night nila....sa WEDNESDAY na people of the Philippines. tapos ganoon pa. hindi ko masisisi ang mga advisers kasi i felt naman na they did their best para papuntahin lahat ng members ng group nila. lagi nga kami magkatext ni anne dahil tinatanong ko pa sa kanya ang mga schedule ng rehearsals nila. kaso feeling ko yung mga bata na ang may problema. hindi naman sa dinadown ko sila pero feeling ko kailangan pa silang pukpukin para gumalaw at marealize ang mga task na kailangan nilang maaccomplish sa AA. like kagabi, sobrang feeling ko kailangan pa silang tawagin ni anne at ni myx at sabihin na eto na ang gagawin nila dahil kung hindi e uupo lang sila at matutulog. ewan, siguro disappointed lang din ako kasi iwas planning to give themacting workshops and all that keme pero hello?! ang konti na nga lang nila ni hindi pa sila tapos ng blockings. kinausap ko na nga lang si anne kasi nakita ko na hindi rin dinivide ng director nila yung script into units kaya hirap na hirap tuloy silang magrehearse ng blockings...grrr!

SIPAG NI ATE...
ayan itutuloy ko naman dito yung sinasabi ko kaninang apprentice na nagustuhan ko sa overnight. si RIANNE yung sinasabi ko. TECHNICALS siya sa group four kasama ni gian. huwag naman ikakalaki ng ulo niya pero sobrang natuwa talaga ako ng sobra. while her groupmates are rehearsing their blockings, ginagawa niya yung assignment ng mga techies kay k.ryan. sobrang hindi siya marunong mag mivie maker tapos nagbasa pa siya nung mga guide na kasama nung program para lang matuto and cyempre wid the help na rin ni myx. at hindi talaga siya tumitigil hanggang hindi natatapos. noong 4am na nga e nadedepress na siya kasi up to 6am lang daw ang binigay niya sa sarili niyang deadline. at cyempre hindi niya natapos at nagpatuloy siya habang natapos na ang blockings at nakatulog na ang ibang tao at ako naman dahil sanay na sa mga AA overnights ay hindi pa rin makatulog ay gumagawa parin siya. at hanggang sa makatulog na ako at nagising uli ang mga adviser niya ay gumagawa pa rin siya. sana magtagal siya.

TWINS EFFECT:
ay naku habang gising kami ay naunang natulog si KATE. mag-isa lang siya doon sa isang kama at magkatabi naman si ANNE at si MYX sa isa so wala na akong choice kundi tabihan siya. okay lang naman sa akin na tabihan sitempre...B***Y ko siya. hehehe! kaya rin nga ako sumama sa overnight nila. tapos e di nahiga na ako. tang ina ang likot matulog ni bakla! tatlong beses niya akong natadyakan ng tuhod niya sa balakang ko at isang bese na halos pumatong na yung paa niya sa balakang ko. hehehe! okay lang iyon feeling ko mag-ina kaming natutulog ng magkatabi. tapos natuwa pa ako kasi pagkagising ko, maaga rin siyang umalis fior the CASA GA REHEARSAL e sinabi nila sa akin na parehong-pareho kami ng mga chosen positions pag natutulog.hehe. ala lang. im just happy...coz honestly, kaya ko siya pinili kasi nakikita ko rin yung sarili ko sa kanya.

well, lahat-lahat naman ay nag-enjoy pa rin ako sa overnight. pero sinabihan ko na rin si ANNE na sa susunod kailangan sobrang marami na silang maaccomplish. mabilis ang araw di ba? kaya for the APPRENTICES, adrenaline rush ang kailangan niyo...galaw-galaw na! and for my BUDDY, hehe...maniwala ka hanggat gusto mo na si ANNE DIZON talaga ang BUDDY MO!

Wednesday, July 12, 2006

BAKIT KA PA RIN SINGLE???

dis post is for me. ate pat at lahat ng friends ko na single pa rin...

SINGLE: Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan, lalo na't malamig ang hanging o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun.
kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend?

1. Masyadong independent
baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sil! a sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2. Mataas ang standards mo
siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo...oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.

3. ubod ka ng kasungitan
maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

4. masama ang ugali
kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng 'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago. magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.

5. nagkukulong sa bahay
walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6. mukha kang losyang
ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayo! s at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7. masyadong magaling
medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.

8. sobrang busy
alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.

9. dala ang bigat ng kahapon
may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?

10. masyadong masyado
masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo.

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend
shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi purkit na hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano say! o si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization mo...maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.
kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka

*nakuha ko ito sa email ko...hehehe nakakatawa...pero okay lang...siguro nga masyado akong masungit...masama ugali ko...masyadho akong independent...masyadhong busy, masyadhong magaling at lahat-lahat na...PERO FOR ALL I CARE!

HINDI KO KAKULANGAN NA WALA AKONG BOYFRIEND!!! PUTANG INA!

Saturday, July 08, 2006

MEME for me...

well, 1tal everyone is dying to get a meme from ate pat...meaning i dont know e syempre nakisali na rin ako... so here is my meme from ate pat!


And here's how it works. Leave your name and:

1. I'll respond with something random about you.
2. I'll challenge you to try something.
3. I'll pick a color that I associate with you.
4. I'll tell you something I like about you.
5. I'll tell you my first/clearest memory of you.
6. I'll tell you what animal you remind me of.
7. I'll ask you something I've always wanted to ask you.
8. If I do this for you, you must in turn post this meme on your Tabulas.
9. With a letter I assign to you, you must write ten things that you like that begin with that letter.


Comment posted on July 4th, 2006 at 06:36 PMsince boss xi left a tag. this is meme is for you owkie?
1. ano? kelan na tau iibig? =)
2. bawal mangbitch for one day the next mtg natin. harhar
3. cyril blue. haha kahapon ko lang nadiscover ito.
4. una, bading ka. pangalwa, aba galing umarte, passion and love sa aa at lahat ng ginagawa.
5. auditions nio din. haha
6. alitaptap, "pag-ibig pag-ibig asan ang pag-ibig?" hahaha kahit ndi mo sabihin. tigang pa din tau dyan.
7. kelan tau bibili damit for awards night?
8. il buy you lipton red tea chuva
9. try mo b.


and for my 10 b's
1. syempre BAKLA ako!
2. BITTER ako sa love!..hehe!
3. pero contrary to no.2 e pa BLOOM ata lovelife ko ngayon...ewan!
4. ayaw ko mag-BIDA sa mga plays.
5. im a certified BITCH!
6. my mom calls me BUNSO sometyms khit isa lang akong anak.
7. BLACK
8. BEER..antagal ko na di nakakainom.
9. BECKHAM...inggit ako dun sa binili niyang house doon sa dubai na parang island
10. BLISTER...naputok ko yung malaking blister ng klasmeyt ko noong elem na medyo sinasadya...

hehe...hirap mag-isip..papalitan ko ba yung B's ko pag may naisip pa ako!

Wednesday, July 05, 2006

KAPAMILYA: POWER or FRIENDSHIP???


*Ang buhay ay laging tungkol sa pagdedesisyon. sa buhay ay marami kang kakaharapin na choices na kailangan mong gawin...

kaliwa o kanan?
lalake o babae?
bakla o tomboy?
diretso o tabingi?
hero o villain?
kapamilya o kapuso?
black o white?

power o friendship?

at kahit anong iwas ang gawin mo o pagbabalewala, darating ang panahon na kailangan mo pa ring mamili. minsan madali pero most of the time ay mahirap. hindi ko naman masisisi ang ibang tao kung ano ang magiging desisyon nila sa buhay. kasi ako ang isang tao na naglalagay ng malaking value sa paniniwala at sariling desisyon. i just hope na kung iyon nga ang desisyon e di panindigan!

*Mamayang gabi ay masasaksihan ang tunggalian ng kung sino ang tunay na nagsasabi ng totoo... ng masama at ng mabuti... ng tunay at huwad... ng tunay na kaibigan at ng ahas. hindi ko alam ang mangyayari. maaring iyon na ang maging katapusan at masolusyunan kaagad ang lahat.(na hinohope ko) pero iba ang tinitibok at isinisigaw ng loob ko. ramdam kong nagsisimula pa lang ang lahat! sana lang ay makapg-usap na ng maayos para marinig namin ang dalawang sides ng mga istorya. pero the evil side of me is saying na kahit naman marinig na ang lahat, sa huli, yung mga sarisarili naming biases pa rin ang magsasalita. doon pa rin kami papanig sa mas gusto naming paniwalaan. mahirap ang lahat. magulo. maraming nasasaktan. mraming nagagalit. hindi ko alam kung kailan magtatapos ito pero sana ay malapit na. marami akong pangarap para sa samahan. mahal ko ito! at hindi ako papayag na angmga ganitong balita lamang ang sisira sa amin.

note: umamin ang tunay na may sala. ilabas mo ang tunay mong kulay kung matapang ka. huwag kang magtago! huwag kang gumalaw ng pailalim dahil gawain iyan ng duwag. tandaan uli...mabilis gumalaw ang KARMA. hindi man ngayon, pero siguradong babaligtarin niya ang mundo para mahanap at pagdusahin ka!

Tuesday, July 04, 2006

SINO ANG TUNAY NA BALIW?!

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ooh.....Ahh.......

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Kaya't sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw



siyempre naman, nagpapakamelodramatic na naman ako...
basahin niyo na alng ang kanta at malalaman niyo rin...


ito lang ang masasabi ko...
*Sa buhay, maraming nagyayaring hindi maiiwasan...hindi inaasahan. ang inaakala mong tagapagligtas, siya pala ang papatay sa iyo. ang inaakala mong milagro ay isa pa lang sumpa. ang inaakala mong kaibigan ay isa pa lang kaaway. maraming nangyayari sa mundo na dahil sa sobrang bilis na takbo nito ay hindi na natin namamalayan. maraming mga pangyayari na nagdudulot para sa ating mga tao na magbago.

ang buhay ay isang kuwento, parang mga teleseryeng mahaba na pinagkakabit-kabit ang buhay ng mga karakter. lahat ay nagyayari dahil may rason.

* kaya tandaan palagi, hindi lahat ng nakikitang mata ay totoo. maraming mapgpanggap. maraming akala mo ay tunay pero pag hinubaran mo ay isa palang ahas.

(note: let nature take its course. ang mangyayari ay mangyayari. hindi nagwawagi ang masasamng balak lalo na kung natatapakan mo ang iyong mga minamahal. mabilis gumalaw ang karma. mag-ingat ka! ikaw na ang isusunod niya!)

HAPPY ANNIVERSARY AA!

medyo late na itong post ko pero carry lang... wala kasi akong time kahapon e.

well anyway, OO! HAPPY ANNIVERSARY AA!
ang pinakamamahal kong organisasyon ay nag26 na last sunday! imagine, from 1980 e nandito pa rin ang Artistang Artlets para magbigay ng kasiyahan at magshare ng kagandahan ng theater sa mga thomasian.

Pumasok ako sa AA noong 24th season niya. medyo matagal-tagal na rin akong nandito at dahil doon ay natutunan ko na rin itong mahalin. kasi nga, sabi nga ng mga eniors ko dati, kapag minahal mo ang AA, e mamahalin ka rin niya pabalik. mas higit pa ang ibabalik niya sa iyo. hindi man ito narerealize ng iba e nandiyan ang pagmamahal ng AA sa lahat ng miyembro nito. kasi hindi lang naman tumatakbo ang AA dahil sa pagiging isa nitong organisasyon. tumatakbo ito at tumatagal dahil isa rin itong pamilya. kapag tinanggap mo ang kagandahan at pati na rin ang kamalian ng AA ay matututunan mo na isa talaga itong pamilya. pinag-uusapan nga namin ni Madam Jaymar pagkatapos ng anniversary celebration na napagod kami sobra pero masaya kami. kasi minsan din wala na sayo kung ano ang ginagawa mo, mahirap man o ano...nasa mga taong kasama mo rin iyan.

being a member of AA for two years now,e masasabi ko na halos dito na talaga umiikot ang mundo ko. dito ko ibinubuhos lahat ng galing na nalalaman ko sa pag-arte at pagsusulat. dito sa AA ko nakita na mayroon pala akong potensyal na maging magaling sa pag-arte, pagsusulat pati na maging magaling sa pamamahala ng mga tao. sobrang mahal ko ang Artistang Artlets at ang mga tao dito na natatakot ako na gumising sa isang araw na wala na ito. masyadong madrama pero totoo. kaya kong ibigay lahat para sa organisasyong nag-aalaga sa akin at nagpapakita sa akin na i am destined for bigger things.

may mga nagyari man noong nakaraan...mawalan man ako ng kapangyarihan at posisyon... hindi mababago nito ang pagmamahal ko sa Artistang Artlets.

HAPPY ANNIVERSARY AA!