Friday, May 04, 2007

AHAS-nagpapalit ng balat...


Kaya ba talagang magbago?


Ang dating panget maaring gumanda...


Ang dating malungkot ay magiging masaya...


Ang dating madamot nagiging mapagbigay...


Ang dating mapaghiganti ay aasamin na lamang ang kaligayahan ng iba...


Ang dating masama maaring maging mabuti?


Nararamdaman kong nagbabago ako. Hindi ko sinasabing ayaw ko nito. Maganda nga sa paningin ng iba at maluwag dalhin sa dibdib ko. Hindi ko lang mapaniwalaan na kaya ko o hindi ko mapaniwalaan na ako nga ba itong tao ito ngayon.


Nagbabago nga ba ako o kinikimkim ko lamang lahat at isang pitik ay maaring sumabog sa katagalan.


Sana hindi naman.


Masaya ako sa ganito ngayon.


Masaya ako sa sinasabi ng iba na bagong ako.


Mas maluwag sa pakiramdam ang ganito.


Pero ako nga ba talaga ito?


Hindi ba't ang ahas magpalit man ng balat ay ahas pa rin?


wala lang....

1 comment:

kalansaycollector said...

ate ikaw lang din naman makakasagot ng mga bagay na iyan...

may pagbabagong tinadhana at may pagbabagong ika lang din nagmanipula para sa ibang paraan...

di ba nga sa buddhism ikaw ang gumagawa ng iyong tadhana?

paano mo ba hinuhubog ang tadhana mo?
sa tulong ng mga mabubuting bagay...

o sa tulong ng iyong mapait na nakaraan?