Wednesday, May 23, 2007

energy booster...


Minsan napagod ako...

At napagod muli...



Buti na lang merong...
RUSH-energy drink
when at your lowest...inom ka lang!

Wala lang..

.hehehe!

silence...



May kuwento ako...



Ito ay tungkol sa Mime Raket namin sa Manila Peninsula last week.






Nakakapagod siya pero fulfilling naman in a way. At siguro, naredeem ko na ang sarili ko. Kaya ko palang magtrabaho na hindi hinahalo ang personal na emosyon.



Kay Kuya Ryan, Kuya Steeve at Ate Mariel...Im so happy kasi naging mas close tayo because of this. Thank you kasi di niyo ako iniwan during my churva moments...hehehe! Salamat sa mga yosi breaks natin k.ryan and sa mga kuwento mo sa accident prone brother mo ate mariel. K.steeve, sobrang daming salamat sa pagsabay sa akin pauwi...U KNOW naman ang pinagdadaanan ko. hahaha!



Kay Samuel...ay naku..di ko nagawa iyon lahat kung wala ka. Salamat din sa opportunity.


Kay Apol...for brightening our rehearsals dahil sa napakaputi niyang mukha dahil sa make-up.


Kay Estar at Jon...para sa chocolate chip sundae at sa mga usapang kachenesan.


Kay Gian...for trying na hindi talaga malate kahit galing pa sa isang raket.


At kay Eiv...sa pagpapasakit ng ulo ko...hehehe!


Sobrang mamimis ko talaga ito. May mga moments na ayaw ko na pero iniisip ko na lang na hindi lang para sa akin ito...para rin sa kanila. At dahil din dito ay marami akong natutunang mga bagay kagaya ng...


1. May mga bagay na mahirap at masakit pagdaanan pero kapag natapos na at kailangan mo ng iwan ay mahirap gawin. At hindi mo mapipigilan ang sarili na alalahanin ang mga nagyari.


2. Hindi lang lagi tungkol sa sarili natin ang mga bagay-bagay. Marami tayong naapektuhan sa ginagawa natin. At kailangan din isipan ang kapakanan ng iba kasabay ng pag-iisip natin ng ating kapakanan.


3. Mahirap maging pipi. Mahirap maging bulag. Mahirap magkunwari na wala kahit meron.




Tapos na. At hindi man ako nagsuot ng puti at nagpintura ng puti sa mukha...alam ko sa sarili ko na naging mime din ako sa sarili kong paraan. Nagmime ako...hindi nagsalita at itinago ang lahat ng nararamdaman. Masakit pala magmime.


At sa huli...kung itatanong niyo kung mime pa rin ba ang pinag-uusapan...




Ang sagot...










OO!





..ata...





Friday, May 04, 2007

AHAS-nagpapalit ng balat...


Kaya ba talagang magbago?


Ang dating panget maaring gumanda...


Ang dating malungkot ay magiging masaya...


Ang dating madamot nagiging mapagbigay...


Ang dating mapaghiganti ay aasamin na lamang ang kaligayahan ng iba...


Ang dating masama maaring maging mabuti?


Nararamdaman kong nagbabago ako. Hindi ko sinasabing ayaw ko nito. Maganda nga sa paningin ng iba at maluwag dalhin sa dibdib ko. Hindi ko lang mapaniwalaan na kaya ko o hindi ko mapaniwalaan na ako nga ba itong tao ito ngayon.


Nagbabago nga ba ako o kinikimkim ko lamang lahat at isang pitik ay maaring sumabog sa katagalan.


Sana hindi naman.


Masaya ako sa ganito ngayon.


Masaya ako sa sinasabi ng iba na bagong ako.


Mas maluwag sa pakiramdam ang ganito.


Pero ako nga ba talaga ito?


Hindi ba't ang ahas magpalit man ng balat ay ahas pa rin?


wala lang....