Nakikita natin ang pagmamahal at pakikipagrelasyon bilang isang espesyal na bagay na nangyayari sa pagitan ng dalawang nilalang. Mapababae at lalake...lalake at lalake o babae man at babae...kapag naramdaman nila sa isa't-isa na mahal nila ang isa pa ay maari na rito magsimula ang isang relasyon.
Minsan nga...kaya may mga tao na gustong-gusto magkaroon ng karelasyon ay dahil sa hindi nila mapigil mamangha o mainggit man lang kapag nakakaita ng magkarelasyon. kapag may karelasyon ka kasi ay lumalabas na para kayong may sariling mundo...mundo kung saan kayo lang ang maaring manirahan...at sa inyo lang iyon at walang maaring makagambala.
Kahapon habang wala akong magawa sa bahay ay nakapanood ako ng isang episode ng tyra show at bilang isang pilipino na pandalawahan din ang tingin sa pakikipagrelasyon ay nagulat ako...
Ito ay galing sa http://tyrashow.warnerbros.com/show_recaps/show_recap_tue57.html
Managing one relationship is hard enough, but in the world of polyamory, people deal with two or three relationships at the same time! To understand this committed group love, Tyra invited a group of polyamorists to the show to explain how their intimate networks function. Valkyrie was 16 years old, was raised in a polyamorous home and had her first polyamorous relationship when she was 13. She explained polyamory was not the same thing as polygamy. Polyamory translated into “many loves” and both partners were able to be intimate with others, while polygamy was the practice of one man having multiple wives who were not allowed to be intimate with others.
Mataray at Sushal hindi ba? Parang ipinapakita nito na hindi dapat makulong sa isang pandalawahang relasyon ang pag-ibig. Hindi nga naman masama hindi ba? At least mababawasan ang mga kumplikasyon sa pag-ibig. hindi na rin kakantahibn ang kantang "sana dalawa ang puso ko".
Kung mahal mo siya...at mahal mo pa ang isa...at kaya niya nmang mahalin ang isa pa e di eto na ang para sa inyo...
Ang panget nga lang dito ay siyempre mababawasan sa aking palagay ang exclusivity sa relasyon. Oo, napapag-usapan nila doon ang scheduling pero iba pa rin pag alam mong sayong-sayo lang ang taong mahal mo hindi ba?
Siguro nga hindi ba talaga tayo handa sa mga ganitong bagay...
Hay...pag-ibig nga naman...ikulong man..hahanap at hahanap ng paraan upang kumalat.
No comments:
Post a Comment