Tuesday, April 24, 2007

excuse me!

Napagod kami (me, blockmate, jellyace, joselle, apol, karen) today. We went sa UST para mamigay ng flyers sa mga incoming freshmen ng AB kasi nga enrollment na raw nila ngayon. Pero...EXCUSE ME! Enrollment nga...pero hindi AB. Sino bibigyan namin ng flyers dun? Buti pa ang Theater Thomasians ay namamayagpag sa pamimigay ng mga flyers nila dahil pang buong unibersidad nman and drama ng mga lokah. E kami, pang AB lang saklaw (pero pang buong unibersidad ang ganda..hahaha!) Kaya iyon babalik na lang daw kami bukas sabi ni jellyace.

At dahil naawa ako kay jellyace na kinasangkapan pa si Mrs. Doro para mag-cutter ng mga flyers pero walang nangyari ay sinamahan ko siya sa trip niya sa makati. Humingi nga ako ng pasensya kay blockmate, yosi buddy, buddy ehji at drei dahil dapat magkakape kami.

Anyway, pumunta kami sa may Chino Roces sa may Marvin Plaza. Doon kasi yung office ng canon. Ipinacheck kasi doon ni jellyace yung vidcam niang sira. Hindi pa naman ginagawa. Iniwan nia lang doon pansamantala at kanina ay pumunta kami doon para ipa-estimate kung magkano aabutin ang pagpapagawa. Sikreto kasi kay mudang niya ang pagpapaayos. E di nagtanong na nga kami. Aba! Kagulat-gulat! EXCUSE ME uli! Napakamahal! Umaabot na ng P8,000 ang babayaran. E siya lang naman ang magshoshoulder noon. Kaya imbis na after nun ay magliliwaliw pa kami ng Glorietta ay nainis na si jellyace at bumalik na kami ng UST.

Pagbalik ay naghanap kami ng probable new dorms niya. Yung mga kasama niya kasi sa kuwarto ay aalis na. Apat sila doon. Yung isa...i forgot kung ano yung reason. Yung 2 ay sasama na sa ibang dorm with their other nursing friends. Kaya naiwan mag-isa si jellyace. Nagtatanong naman siya sa nagbabantay ng dorm nila kung may naghahanap ng kuwarto o may pwede siyang joinan na ibang room pero EXCUSE ME! Laging "WALA" ang sagot sa kanya ng tibong tagapagbantay...o di ba san ka pa?!

Nilibot namin ang buong Dapitan(dahil gusto niya malapit lang). Pero walang suwerte. Lahat puno na. Ayaw naman niya sa sampuan na ano? anO siya...sardinas?

Kaya nagpasya na lamang akong ihatid siya sa harap ng dorm niya sa harap ng Forbes. Habang naglalakad kami sa may Bangko ng Unibersidad sa tabi ng Chowking ay bigla na lamang may humablot ng kamay ko ng marahan lang naman. Ang sabi ng mamang nakablack na polo at pantalon na chaka ang gupit ay "EXCUSE ME, oi, kamusta ka na?" Puhleesss! E hindi ko nga siya kilala. Kaya ang tangi ko na lamang nasabi ay" Pasensya, hindi kita kilala." At umalis na kami ni jellyace at nagmadaling lumakad. Ang weird! Mabuti na lamang at hindi na sumunod kung hindi ay makakatikim na siya ng isang umaatikabong EXCUSE ME sa akin.

Tuesday, April 10, 2007

cool


Cool


It's hard to remember how it felt before

Now I found the love of my life...

Passes things get more comfortable

Everything is going right


And after all the obstacles

It's good to see you now with someone else

And it's such a miracle that you and me are still good friends

After all that we've been throughI know we're cool


We used to think it was impossible

Now you call me by my new last name

Memories seem like so long ago

Time always kills the pain


Remember Harbor Boulevard

The dreaming days where the mess was made

Look how all the kids have grown

We have changed but we're still the same

After all that we've been throughI know we're cool


And I'll be happy for you

If you can be happy for me

Circles and triangles, and now we're hangin' out with your new girlfriend

So far from where we've been

I know we're cool

Saturday, April 07, 2007

CONGRATULATIONS!


Ayan...nag-amok ang mga pilipino ng binitawan ni Prince Gian ang madramang linya niya kay Janelle...kaya sumumpa ang mga ito na ipaghihiganti ang lahi natin...hahaha!


Habang wala akong mapanood kagabi sa TV(kahit may cable pa kami) Ay napanood ko ulit ang Moments of Love nila Iza Calzado at Dingdong Dantes. Alam naman na rin nating lahat ay tungkol ito sa isang pag-ibig na nagmula sa magkaibang panahon.


At dito na nga natin kukunin ang madramang linya na tatapat kay koreanong prinsipe.


Sa eksenang umamin na si Marco(Dingdong Dantes) na mahal niya rin si Divina(Iza Calzado) at gulong-gulo na sila kung paano ang magiging set-up nila ay sinabi ito ni Divina.


DIVINA:"Pinagtagpo tayo ng kapalaran...Ngunit hindi tayo ang nakalaan para sa isa't-isa".


Simple pero madrama...


Kung ang kay Koreanong prinsipe ay madramang may halong pait...kay Divina naman ay madramang linya kung saan tinatanggap niyang hindi sila para sa isa't-isa at kailangan niyang palayain ang mahal.


*Siguro...ito na ring linyang ito ang sasagot sa aking matagal ng tanong na kung bakit ba pakiramdam ko ay chess pawn lang ako lagi na ginagalaw ng magkaibang mga chess pieces para makamit nila ang golas nila...eto na siguro ang sagot.


...Hindi lahat ng nakikilala ko at minamahal ko ay garantisadong sila na ang para sa akin... Pinagtatagpo kami...pero hindi pa siya ang para siguro sa akin...

Group LOVE...

Ang konsepto ng mga pilipino sa pakikipagrelasyon ay ito...

Nakikita natin ang pagmamahal at pakikipagrelasyon bilang isang espesyal na bagay na nangyayari sa pagitan ng dalawang nilalang. Mapababae at lalake...lalake at lalake o babae man at babae...kapag naramdaman nila sa isa't-isa na mahal nila ang isa pa ay maari na rito magsimula ang isang relasyon.

Minsan nga...kaya may mga tao na gustong-gusto magkaroon ng karelasyon ay dahil sa hindi nila mapigil mamangha o mainggit man lang kapag nakakaita ng magkarelasyon. kapag may karelasyon ka kasi ay lumalabas na para kayong may sariling mundo...mundo kung saan kayo lang ang maaring manirahan...at sa inyo lang iyon at walang maaring makagambala.

Kahapon habang wala akong magawa sa bahay ay nakapanood ako ng isang episode ng tyra show at bilang isang pilipino na pandalawahan din ang tingin sa pakikipagrelasyon ay nagulat ako...

Managing one relationship is hard enough, but in the world of polyamory, people deal with two or three relationships at the same time! To understand this committed group love, Tyra invited a group of polyamorists to the show to explain how their intimate networks function. Valkyrie was 16 years old, was raised in a polyamorous home and had her first polyamorous relationship when she was 13. She explained polyamory was not the same thing as polygamy. Polyamory translated into “many loves” and both partners were able to be intimate with others, while polygamy was the practice of one man having multiple wives who were not allowed to be intimate with others.

Mataray at Sushal hindi ba? Parang ipinapakita nito na hindi dapat makulong sa isang pandalawahang relasyon ang pag-ibig. Hindi nga naman masama hindi ba? At least mababawasan ang mga kumplikasyon sa pag-ibig. hindi na rin kakantahibn ang kantang "sana dalawa ang puso ko".

Kung mahal mo siya...at mahal mo pa ang isa...at kaya niya nmang mahalin ang isa pa e di eto na ang para sa inyo...

Ang panget nga lang dito ay siyempre mababawasan sa aking palagay ang exclusivity sa relasyon. Oo, napapag-usapan nila doon ang scheduling pero iba pa rin pag alam mong sayong-sayo lang ang taong mahal mo hindi ba?

Siguro nga hindi ba talaga tayo handa sa mga ganitong bagay...

Hay...pag-ibig nga naman...ikulong man..hahanap at hahanap ng paraan upang kumalat.