AFTER ALL THE STARTS AND STOPS...
Oo! Inaamin kong napakatagal kong namahinga sa aking blogging life. Bigla na lang kasi akong walang mashare...
Pero hindi ko inxpect na ang pagbabalik ko sa pagbablog ay mangyayari dahil sa isang kaganapang iniiwasan ko...
Kagabi, pagkatapos ng rehearsal namin ay nag-aya si Ate PAT na uminom ng konti sa 1611. namiss ko na rin siya kainuman dahil matagal siyang hindi nakainom dahil nagka-dengue siya. so go na nga kami...kasama din sila kuya tupe, marianne, jmee, mingu, gabby and ate andy.
Una, natuwa pa ako kasi nakita ko yung isa kong kabatchmate nung HS at kinausao pa ako... pagkatapos nun nakita ko rin papauntang cr yung isa ko pang kabatch. di ko na nga lang siya naka-usap...at ang huli...NA SANA AY HINDI KO NA NAKITA...after a long time... nakita ko uli ang HS boylet ko...
Oo..nakita ko uli siya...
ang lalakeng inakala ko ay bigay ng diyos sa akin to end my longing...
ang lalakeng gumawa ng maraming firsts sa buhay ko...
akala ko noon siya na...
I thought you were my fairytale
A dream when I'm not sleeping
A wish upon a star
Thats coming true
But everybody else could tell
That I confused my feelings with the truth
When there was me and you...
Nagkamali nga ako.
Hindi nga siya ang hinahanap ko at kailanman ay hindi magiging siya.
At nakita ko nga uli siya...
medyo nag-mature na ang mukha niya...
pero hindi pa rin siya nagbabago...
na sa kanya pa rin ang aura niya dati...
yung tipong isang tingin niya lang sayo ay kaya na niyang itali at bihagin at sa kanya ka na...
Masaya at masakit alalahanin ang mga nangyari sa amin...
pero ganoon talaga siguro ang buhay...
Tingin siya ng tingin kagabi ngunit halatang hindi nagpapahalata...
Alam kong alam niyang nandoon din ako...
kaya sana naramdaman niya ang gusto kong sabihin sa kanya...
Malaya na ako sa nararamdaman ko sa kanya dati...
Wala na sa wakas...
So as the song
still brings that certain glow
and the world still sings of love i know
it isn't quite the way it was before
i remember the boy
BUT I DONT REMEMBER THE FEELING...
ANYMORE
Paalam na...
Paalam...
No comments:
Post a Comment