Saturday, November 25, 2006

PLAYWRIGHT'S NOTE

ENCADRE = FRAMED

CONGRATULATIONS! Ayoko masyado magdrama kaya I am going to make my note short and sweet…

Una akong nasabihan para gumawa ng script para sa December production ng AA noong unang GA ng taong ito. Kasabay noon ay may pinagdadaanan din akong malaking dagok sa buhay… Isang dagok na akala ko ay hindi ko kayang labasan.

Doon ako nagkaroon ng inspirasyon para gawin ang dulang ito.

Nagsimula akong mag-isip… Lahat nga ba ng tao ay nasosolusyonan ang mga problema nila? Sa tingin ko ay HINDI!

Marami sa atin ang hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ng kasagutan sa mga kulang sa buhay nila.

May iba naman ay mas pipiliin na lang sumabay at makiayon para wala nang diskusyon at matanggap sila.

Meron diyan na sa sobrang pag-iisip sa mga problema nila ay nakakalimutan na ang iba pang mahahalagang bagay na dapat ding napapansin.

Ang iba, binulag na ng pagmamahal at gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig kahit nakakasama na ito sa kanila.

At may iba na dahil takot ay ayaw nang gumalaw sa kinalalagyan niya kahit ang ibig sabihin pa noon ay ipagpaliban ang sariling kaligayahan.

Hindi ba tama ako? Lahat ng tao ay nakakulong sa kani-kanilang paniniwala.

Lahat ng tao ay nakakahon.

Kaya dahil dito, kung minsan, mas pinipili natin na magbulag-bulagan at lokohin ang ating mga sarili na wala namang problema o mali.

Pero ang totoo ay meron…takot lang tayo kumawala at kung minsan din ay sanay at masaya na tayo sa ganoong kundisyon.

Hindi ako magmamagaling na nakalabas na ako at nakakawala sa pinakamalaking dagok ng buhay ko.

Pero pipilitin kong kumawala…

Pipilitin kong itaas muli ang aking sarili…
At hindi ko magagawa ang dulang ito kung wala ang mga sumusunod:

Sa DIYOS, dahil sa paggawa niya sa akin bilang isang ekstraordinaryong nilalang.

Sa mga kontrabida sa teleserye for continuesly inspiring me…

Kay Kuya Ryan sa tiwalang binigay niya at sa pagbibigay buhay sa dula ko.

Kay Ate Mariel sa pagdadala ng salapi sa produksyon

Sa aking AD at Ad.O, salamat din sa tiwala

Sa aking partner at *toooot* John, salamat at sorry.

Sa aking CHEVER, mahal ko kayo hanggang ngayon.

Sa BACKCHICK: Jhey, Ej at Jaymar…ipagpatuloy natin ang pagsasabog ng kagandahan sa AA

Salamat din sa nag-iisang GODDESS…Richard Uy

Sa aking mga buddies:

Jeffrey Go-u could have at least wrote me kahit isang letter

Andy Matias- salamat sa pag-ampon

Edge Caraon-anong bago sayo???

Kate Magno-di lang sa AA nagtatapos ang pagiging mag-buddies

At sa aking Future Buddies na magiging AD at Ad.O ng batch niya (isinusumpa ko!) ngayon pa lang ay salamat!

Sa KADA para sa pagtitiyaga sa akin tuwing lunch at uwian nila

AT siyempre sa pinakamamahal kong UBE.

Sa huli. Salamat sa ARTISTANG ARTLETS.



this is not yet the end of me...i am and forever will be AA's
CYRIL RAMOS
-Bitter Bitch-

after all the starts and stops...

AFTER ALL THE STARTS AND STOPS...

Oo! Inaamin kong napakatagal kong namahinga sa aking blogging life. Bigla na lang kasi akong walang mashare...

Pero hindi ko inxpect na ang pagbabalik ko sa pagbablog ay mangyayari dahil sa isang kaganapang iniiwasan ko...

Kagabi, pagkatapos ng rehearsal namin ay nag-aya si Ate PAT na uminom ng konti sa 1611. namiss ko na rin siya kainuman dahil matagal siyang hindi nakainom dahil nagka-dengue siya. so go na nga kami...kasama din sila kuya tupe, marianne, jmee, mingu, gabby and ate andy.

Una, natuwa pa ako kasi nakita ko yung isa kong kabatchmate nung HS at kinausao pa ako... pagkatapos nun nakita ko rin papauntang cr yung isa ko pang kabatch. di ko na nga lang siya naka-usap...at ang huli...NA SANA AY HINDI KO NA NAKITA...after a long time... nakita ko uli ang HS boylet ko...

Oo..nakita ko uli siya...

ang lalakeng inakala ko ay bigay ng diyos sa akin to end my longing...

ang lalakeng gumawa ng maraming firsts sa buhay ko...

akala ko noon siya na...

I thought you were my fairytale
A dream when I'm not sleeping
A wish upon a star
Thats coming true
But everybody else could tell
That I confused my feelings with the truth
When there was me and you...

Nagkamali nga ako.

Hindi nga siya ang hinahanap ko at kailanman ay hindi magiging siya.

At nakita ko nga uli siya...

medyo nag-mature na ang mukha niya...

pero hindi pa rin siya nagbabago...

na sa kanya pa rin ang aura niya dati...

yung tipong isang tingin niya lang sayo ay kaya na niyang itali at bihagin at sa kanya ka na...

Masaya at masakit alalahanin ang mga nangyari sa amin...

pero ganoon talaga siguro ang buhay...

Tingin siya ng tingin kagabi ngunit halatang hindi nagpapahalata...

Alam kong alam niyang nandoon din ako...

kaya sana naramdaman niya ang gusto kong sabihin sa kanya...

Malaya na ako sa nararamdaman ko sa kanya dati...

Wala na sa wakas...

So as the song
still brings that certain glow
and the world still sings of love i know
it isn't quite the way it was before
i remember the boy
BUT I DONT REMEMBER THE FEELING...
ANYMORE

Paalam na...

Paalam...