Tuesday, October 02, 2007

AGNOIA

AGNOIA



*Ang sarap ng feeling na muling makapagblog. Maraming nangyari sa nitong mga nakaraang araw na nagpasaya, nagpalungkot at nagpaexcite sa akin...



Nagsara na ang kabanata ng AGNOIA para sa Artistang Artlets. Pero ang iniwan nitong tatak sa puso ng mga miyembro at mga nanood ay habambuhay na mananatili.


Una kong nakita ang script ng AGNOIA year 2005 pa. Kailangan naming maghanap ng partner kong Liaison Officer na si John(na siya na ring nagdirek ng play) ng mga script na pwedeng gamiting ng AA for its 25th Anniversary play. So, pumunta kami ng Carlos Palanca sa Makati upang magresearch. Isa nga sa mga nakita namin ang AGNOIA. Unang basa pa lang namin dito ay napukaw na agad ang aming puso. Malalim ngunit tagos sa puso. Nagustuhan ko kung paano, katulad sa tunay na buhay ay magkakadugtong ang mga buhay ng labing-isang karakter. Pinapatunayan lang nitong lahat ng gagawin mo, maliit man o malaki ay nakakaapekto sa iba. Nagustuhan ko rin ang karakter ni AQUARIUS. Isang baklang takot sa pag-iisa at ang tanging hiling lamang ay ang kasiguraduhan ng pagmamahal ng kanyang karelasyong si SCORPIO. SInabi ko talaga sa sarili ko na ako dapat ako ang gumanap dito sa karakter na ito kung sakali mang ang script ang mapali para sa anniversary celebration...ngunit hindi. Hindi ito ang napili...kung kaya't nabaon sa limot ang aking pangarap.



Hindi ko naubos maisip na darating ang panahon na maisasaentablado pala namin ang dula. At matutupad ang aking pangarap na gampanan si AQUARIUS.


Pero hindi siya naging madali katulad ng aking inaasahan. Lagi kong iniisip na marunong akong umarte. PEro dito...iba. DUmating ang mga panahon na kinakabahan ako at natatakot dahil hindi ko makuha ang gusto kong atake...at hindi ko rin maibigay ang sukdulang kagustuhang atake ng aking diretor na si JOHN. Dumating din ang mga gabi na pagkatapos ng mga rehearsal ay nagrerehearse pa akong mag-isa sa loob ng aking kuwarto para kinabukasan ay may bago akong maipapakita. At hindi ako nabigo...sa tulong ng aking hirap at mga pinagdaanan sa buhay ay nailabas ko ang mga hinaing at sugat sa puso ni AQUARIUS.



Tunay at napapanahon ang mensahe ng AGNOIA para sa mga manonood. Panghawakan mo ang iyong buhay at magtiwala sa kapangyarihan ng sarili. Madami din akong natutunan mula sa halos dalawang buwang pagtatrabaho sa AGNOIA.


1.Kung para sayo ang isang bagay...kahit lumipas man ang panahon ay para sayo ito.

2.Huwag masanay sa nakasanayan na. Kailangang pinagbubuti ang kakayahang umarte at patuloy na pinalalago.

3.Kahit isa ka lang ay paektado mo ang mga tao sa paligid mo.


4.Hindi iisa ang hugis ng puso. -LIBRA Hindi lang ang nakasanayan natin ang tama.


5.Ang bawat tao ay espesyal at bawat isa ay may maituturo sa ating aral.


Natapos na nga ang AGNOIA...pero habambuhay ko itong dadalhin sa puso ko...kasama ni AQUARIUS na minahal ko na ng lubusan.




PS: Thanx to JOHN for directing the play at for choosing me to play Aquarius. and MHARKEE for my first stge kiss..wahaha!


at salamat din kay tooot...ikaw ang dahilan kung bakit ko nagampanan ang roloe ko ng maganda...

Monday, September 17, 2007

Paalam Part1

Bibi Part1
Kagaya ng nauna ko ng nasabi...
"Darating ang panahon, igilan ko man o hindi ay kailangan kong lumisan at mag move on. Gustuhin ko man o hindi ay wala akong magagawa dahil iyon ang kailangan."
At sa bawat araw na lumilipas ay nararamdaman kong totoo at nagiging totoo ang mga sinabi ko.
Mahirap.
Masakit.
Malungkot.
Nakakapanghina isipin.
Pero kailangan kong gawin.
Unti-unti ko ng hinahanda ang aking sarili.
Sana matutunan kong maging manhid sa lalong madaling panahon.
Sana makaya kong hindi masaktan kapag iniwan ko na siya.
Hindi ko maubos maisip na kailangan kitang iwan pagdating ng panahon...at kailangan pa sa ganitong paraan...

Thursday, September 13, 2007

So TIRED...

Minsan nakakapagod mabuhay
Nakakapagod magkunwari
Nakakapagod magsinungaling
Nakakapagod na magpakamanhid
Nakakapagod tumawa
Nakakapagod lumakad
Nakakapagod ngumiti
Nakakapagod umiyak
Nakakapagod malungkot
Nakakapagod pumili ng damit na kailangang isuot
Nakakapagod manood ng TV
Nakakapagod mag-internet
Nakakapagod tumunganga
Nakakapagod tumingin sa fone kung may nagtext
Nakakapagod tumingin sa orasan na ang bagal gumalaw
Nakakapagod mag-isip
Nakakapagod umasa
Nakakapagod mangarap
Nakakapagod ngumiti kahit ayaw mo
Nakakapagod umintindi ng mga tao
Nakakapagod ng ikaw na lang lagi
Nakakapagod magsapatos araw-araw
Nakakapagod maghintay
Nakakapagod ipilit ang sarili sa tao
Nakakapagod magsalita
Nakakapagod magtago
Nakakapagod matakot
Nakakapagod maging matapang lagi
Nakakapagod maging mabait
Nakakapagod magmaldita
Nakakapagod sumigaw
Nakakapagod magyabang
Nakakapagod mainggit
Nakakapagod makinig
Nakakapagod magmahal
Nakakapagod lumaban
Nakakapagod ang mga bagay na paulit-ulit...
Nakakapagod ang mga bagay na hindi na nagbago...nagbabago at magbabago
Nakakapagod gawin ang bagay na nakasanayan ko na.
Nakakapagod sabihin sa sarili na okay lang lahat kahit hindi naman ata.
Napapagod na AKO.
Kung kaya ko lang iwan ang mga nakasanayan ko...
Kung kaya ko lang huwag matakot sa mga pagbabago...
Kung kaya ko lang lumayo at huwag ng magpakita habambuhay...

Wednesday, September 12, 2007

Maskara...

Maskara...Pagkukunwari...
Katotohanan...BitterBitch!



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Lahat tayo ay may mga maskarang sinusuot araw-araw upang ikubli ang kung ano mang mga bagay na ayaw nating ipakita sa iba. Marahil ito ay ang masamang pagkatao natin na ayaw nating ipakita sa iba, mga sikretong kapag lumabas ay magsisimula ng ating kasiraan, o minsan, ang mga kahinaan nating hindi maaring malaman ninoman upang hindi nila ito magamit laban sa atin.

At sa panahon natin ngayon, sa daming bagay na kailangan nating itago sa madla ay hindi lamang isang maskara ang isinusuot natin. Isa sa pamilya, sa kaibigan, etcetera...etcetera. Kung minsan pa ay napapagbaliktad na natin ang kung anong maskara ang dapat nating gamitin.

Habang naghahalungkat ako ng gamit kagabi ay may nakita akong maikling sulat na ibinigay sa akin ng aking kaibigan.
Nakalagay doon na... "Mahirap ang ating kalagayan dahil hindi natin maaring ipakita ang tunay nating mukha sa iba sa likod ng ating mga maskara. Kinakailangan ito alinsumod sa batas ng tao, kalikasan at ng diyos kung meron man."


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Napaisip tuloy ako.

Mahirap ngang kumawala sa kung ano mang maskara ang sinusuot mo.

Siguro, hindi na mahalaga ngayon kung ano ang tunay na ikaw...kundi ang maskarang sinusuot mo. Mahirap kasing ilantad mo ang tunay mong mukha pagkatapos ay hindi naman pala magugustuhan ng iba.

Nawawala na ang katotohanan sa ating mga bagay dahil sa samu't-saring pagkukunwaring ginagawa nating lahat.

Nakakatakot lang.

Baka sa susunod akong magtanggal ng maskara ay maskara pa rin pala...

O di kaya...

Wala pala talaga akong mukha at binubuo ko lang ang aking pagkatao gamit ang aking mga maskara.



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




Masama bang subukang ipakita ko ang tunay kong sarili?

Wednesday, August 29, 2007

TEENAGE TIMELINE(Ang buhay ng dalagitang BITTERBITCH)

TEENAGE TIMELINE...(Ang buhay ng dalagitang BITTERBITCH)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket



Today...August 29...marks the end of my teenage years. Korek! 20 na ako today...

So, dahil emosyonal ako at mahilig magbalik sa nakaraan ay magtitrip tayo pabalik sa mga nangyari sa aking teenage life...

13-first year high ako nito. This year ay simula ng napakaraming bago sa buhay ko. Siyempre, after 6 years sa elementary na may service ako, complete independence naman ang drama ko dito. Pinayagan na ako ni mudang na magcommute. Dito rin sa taong ito ay nagsimula ulit akong umasa na makita na ang lalake para sa akin. Matapos kasi ng pagpaparaya ko noong grade 6 ay inisip kong siguro naman sa hayskul ay pantay-pantay na ang labanan. Dalawa ang nakita ko. Iyong una, crush lang. Siya ang ultimate crush ko noon. Sabi ko sa sarili ko at dinadasal ko na kahit hindi man kami magkakilala basta magkaroon ako ng isang buong araw with him. 1st year ako noon at siya naman ay 4th year. Yung pangalawa, si A.J.D.C. yun yung seryosohan kunong emosyon ekek. Binabayad ko pa siya ng gagawa ng drafting plates niya para pumasa siya...punyeta! Ang resulta, sa akin pa nagpatulong para maligawan yung gusto niya.

14-Nakalagpas na ako AJDC sickness ko. Pero crush ko pa rin siya noon pero hanggang doon na lang. Walang masyadong landiang nangyari sa taong ito. Nagfocus ako sa studies ko kaya flying high ang aking mga grado. Dito ko nakilala ang hayskul barkada ko na up to now ay ka-close ko pa rin. Nagkaroon ako ng isang crush na first year high...

15- Third year na ako. Nagsisimula na akong magalit sa diyos nitong mga panahong ito. Nagagalit ako noon, dahil amidst all the blessings na binibigay niya sa akin...hindi ko pa rin nakukuha ang gusto ko...lalake! Lumilinya pa ako noon na hindi ko naman ginusto lahat ng binibigay niya, nakit di niya maibigay ang gusto ko. At kung anu-ano pang kadramahan ng isang hayskul baklita. haha! Siguro, napepressure lang ako noon, dahil ang mga bilat kong frends ay kahit hindi na tumayo ng upuan ay mayrong lalake. Nakita ko uli sa loob ng computer room ang crush kong 1st year dati...2nd year na siya. He is still cute as ever. Sabi ko, this is it. Prof ko rin nung 2nd year ang computer prof niya kaya hiningi ko ang pangalan at numero. Pero, ang manang na maldita, inistore lang ang numero...wala nmang ginawa. Nagpatuloy ang galit ko sa diyos hanggang dumating ang retreat. Binuhos ko talaga lahat doon ang galit ko, iyak, mura, name it...ginawa ko. To my surprise, habang nasa bus na kami pauwi, may na wrong send sa aking fone...to my surprise ulit...si crush ko pala iyon. Ang saya di ba? Dito na nagsimula ang T.L. phase ng buhay ko. Sabi ko, baka ito na...baka siya na. Nagtext kami. Natakot pa ako noong nalaman niyang bakla ako. Mild homophobic kemeru daw siya. Pero with my powers of persuasion ay napapayag kong maging frends kami. Effort ang ginawa ko doon kung effort. Nagwork naman kahit konti. Dumating yung panahon na hindi na lang ako ang tumatawag sa kanila...tumatawag na rin siya sa bahay. Minsan nagsasabay na kami pumasok dahil malapit lang siy sa skul. Pinagbabawalan pa niya ako magyosi. Dumating kami sa phase na kulang na lang ang formalization(o ako lang nakafeel nun). Akala ko hindi na matatapos ang lahat ng kasiyahan. AFter ng Valentine's day ay nalaman ko na lang na nililigawan na niya ang isa kong kaibigan. Nagalit ako. Napuno ng galit ang puso ko. Matapos ang lahat...oras...libreng libro...pag-intindi...doon lang pala mapupunta ang lahat. Mula ng araw na malaman ko ang balita...doon na ako nagsimulang magsuot ng itim. Itim ang sumimbolo ng namatay kong pag-ibig na pinipilit kong ilaban pero walang nagyayari. Basta ang sabi ko, gagantihan ko ang kaibigan ko...pero si boylet, patuloy ko pa ring minahal...

16-Naging klasmeyt ko ang frend ko nang taong ito. From being popular sa klase, lumagpak ang karera niya. Siniraan ko siya sa lahat ng klasmeyts ko...hanggang sa ang kausap niya na lang ay yung binabakstab niya dati na klasmeyt niya. hahaha. Ito siguro ang pinakamagulong taon ko sa hayskul. Hindi na ako nakakapgperform ng maigi sa klas dahil laging namumugto mata ko. Kahit alam ko na noong wala naman talaga, patuloy ko pa ring inilalaban ang pagmamahal ko. Hanggang sinabi ko pa rin sa kanya na hanggang nasa iisa kaming eskuwelahan, hindi ko siya papayagang maging masaya...
SIyempre, graduation din ang isa sa mga nagyari sa taong ito. nagkahiwahiwalay na kami ng barkada ko. Ako lamg kasi ang may gusto ng Arts and ol those kemeru. Sila gustong magpakadalubhasa sa nursing at engineering at commerce.

17-College na. Bago ang lahat. Dito sa taong ito ay nahanap ko ang tunay kong calling...ang teatro. Sumali akong AA at hindi ako nagkamail sa desiyon ko. Nakita ko ulit yung 4th year na crush ko. AA din pala siya. Masaya akong naging close kami kahit wala na akong feelings for him. Dito ko rin simulang nakita ang iba ko pang kakayahan.
Isang gabi, may tumawag sa bahay namin. SI T.L. Nagkukuwnto siya tungkol sa isang babae na gusto niya at hindi niya maukha dahil hindi siya kayang seryosohin. Noong moment na iyon ay naluha ako. Iyon ang huling luha ko para sa kanya. Pagkatapos naming mag-usap ay pinalaya ko na ang naagnas kong pagmamahal sa kanya. Narealize kong kahit nagtagumpay akong hindi maging sila ng kaibigan ko, marami pa ring babae diyan. Maraming babae ang bibihag sa puso niya pero ako?...hindi ako kailanman magiging laman ng sakim niyang puso.
Kaya ang sabi ko sa sarili ko, simula na ito ng pagtalikod ko sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay para lang sa mahihina sabi ko.

18-Naging officer ako sa AA. Dito ko ibinuhos ang lahat ng pagkukulamg sa akin ng pag-ibig. Minahal ko ng buong puso ang organisasyon at ang trabaho ko dito. Nakilala ako bilang bitterbitch...ang malditang bitter sa pag-ibig. ANg taong ito ay puno ng blessings sa aking karera. Patuloy ang pagdating ng mga magagandang komento tungkol sa aking pag-arte. Nakasulat din ako ng play na naisama sa aming anniversary production.

19-Ito ay taon ng pagsubok. May nagyari sa aking problema na akala ko hindi ko na malalagpasan. Sa problemang ito ay kinailangan kong pakawalan ang aking mga pangarap sa organisasyon at manatili na lamang miyembro. Nasaktan ako. Sabi ko, ang posisyon na lamang ang meron ako, pati ba iyon ay kukunin pa rin sa akin ng diyos? Matagal akong nalungkot. pero sabi nga...the show must go on. Kaya tayo ako uli...at lumaban. Narealize kong hindi dahil sa posisyon kaya ako kilala at nirerspeto. Dahil sa ako ay ako. Hindi dahil sa posisyon. Bagamat mahirap, nailaban ko naman.
AFter din ng matagal na panahon na isinusuka ko ang pag-ibig ay binigla ako ng tadhana. May nakilala akong first year na apprentice sa organisasyon. AT doon na nagsimula. Pinigilan ko man sa simula dahil hindi ko matanggap sa sarili ko...ay wala na rin akong nagawa. Umibig ako sa kanya. Dito ko masasabi na nagmahal na ako ng totoo. Binigay ko ang lahat kaya kong ibigay ng walang hinihinging kapalit. Hindi ko man maintindihan ang aking sarili, sa loob ko ay may namumuong pag-asa. AKala ko kasi dati ay hindi ko na kayang magmahal. Pero dumating nga ang taong iyon at nabuhay muli ang aking puso. AT katulad ng mga nakaraan...umasa ulit ako. Umasa akong baka siya na. AT katulad uli ng mga nakaraan...nagkamali na naman ako. Ibang tao ang gusto niya...bagmat lalaki rin...iba pa rin at hindi ako. Bumaha ang luha...napuno muli ng galit ang puso ko at inisip kong maghiganti. Mabuti na lamang at nagising ang aking Buddha Nature dahil sa chanting at naisip kong hindi tama ang gumanti. Hindi nila kasalanan ang magmahalan. Pero siyempre, masakit pa rin dahil kabiguan na naman ito para sa akin. Matagal din ang pinagdaanan ko bago ko siya mapalaya sa aking puso. Pinapagalitan na nga ako ng aking mga kaibigan noon. Pero habang tumatagal, ay natanggap ko din. Proud kong sinasabi ngayon na wala na ako kahit isang butil ng pagmamahal para sa kanya.

At ngayon...

20 na ako. Hindi ko alam kung ano mangyayari peromasaya kong haharapin ang bawat kabanata ng bago kong buhay. Mabigo man sa buhay o pagmamahal...tatyo pa rin ako...patuloy na lalaban...

coz i am and forever will be....
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Saturday, August 25, 2007

Premature Attractions

PREMATURE ATTRACTIONS

Nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng mga "tunganga" moments bago ako matulog sa gabi. Medyo nsira kasi ang reception ng cable ko sa kuwarto kaya channel 2 lang ang malinaw. Hindi ko naman type lahat ng palabas ng dos kaya maaga ko na lang pinapatay ang TV at nag-eenjoy sa dilim ng kuwarto. Sa isang linggong puro ganito ang drama ko ay nagkakaroon ako ng oras para pag-isipan ang mga nagyayari at ginagawa ko sa buhay ko lately...



Nitong mga nakaraang mga araw kasi ay nakakaramdam ako ng feeling na medyo bago para sa akin. Namimiss kong mainlove. Yung tipong kinikilig ako ng mag-isa sa jeep pauwi...Yung mag-isa akong nangingiti kahit nasa gitna ako ng mga taong hindi ko naman kilala sa daan... Yung laging may tumutugtog na music sa ulo ko na masarap ding sabayan habang naglalakad... Yung may inaalala ka maggising mo at bago ka matulog... mga ganoong bagay.



Sobrang weird nung feeling na iyon sa akin dahil alam ko namang hindi ako ganoon dati. Sa mga nakakakilala sa akin, ay alam nilang hindi tipikal na xi iyong nakakamiss ng love. Ilang taon akong naging nuknukan ng kabitteran sa buhay at pag-ibig. iyong kulang na lang na kapag may nakikita akong sweet ay sunugin ko sila. Dumating ang panahon na sinusuka ko na ang pag-ibig dahil gusto ko na siyang iwasan habang nabubuhay ako.



Pero ngayon, kakaiba atang namimiss ko ang magmahal.



Iniisip ko sigurong maraming pagbabagong nangyari sa pagkatao ko...sa aking personalidad at paguugali...matapos ang huling beses na nagmahal ako. Iniisip kong ang pagmamahal na nagyari sa akin noon ay masyadong binago ang aking pagkatao. Binura nito ang kapaitan ng puso ko. Binuhay nito muli ang aking puso. Isang pagmamahal na lumamon sa aking buong sarili. Ganoon siya kabigat na siguro iniisip kong bakit hindi ko siya ulitin. Bakit hindi ko siya subukan muli sa iba.

Pero sa aking kagustuhan na muling umibig ay maling mga pintuan naman ata ang kinakatukan ko. Nararamdaman ko kasi na pinipilit kong maghanap ng mga tao na baka sakaling sa kanila ko uli maramdaman ang naramdaman ko. At noong sinabi kobng pilit...pilit talaga. Pilit na nag-aaway na ang kagustuhan kong makahanap ng pag-ibig at ang aking tunay na personalidad.

Ako kasi yung klase ng tao na may kasinglaki ng aparador na pride at kasing taas ng Mt. Apo na standards. Hindi ko ipagsusuksukan ang sarili ko sayo kung pakiramdam ko ay pinabababa ko naman ang pagkatao ko...or to that effect.

Pero ngayon...ay yung na nga.

Kaya nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ako ng realization na gumising muna sa aking pagdiday dreaming. Sabi ko nga sa sarili ko ay hindi ko kayang gawin lahat at kontrolin laaht ng bagay. Isasama ko na lang ang aking minimithi sa aking chanting.

Sabi nga ng isang quote...ang pagmamahal minsan ay parang nagmamahal ka sa isang pader. Kahit ipilit mo ang sarili mo, wala pa rin silang tinag. So I will spare myself na lang from the hurt. Kung hindi...hindi...kung oo...oo. At kung hindi talaga matinag ay gibain na lang.

Mas magandang mahinog muna ang mga emosyon at pagsasama kesa ipipilit siya ng masyadong maaga.

Kay B.M.S: Siguro masyado lang ako nagstick sa realidad na dapat ikaw ang buddy ko. At masyado akong sumaya na nakakapagtext tayo. Pero siguro hanggang doon na lang iyon. Parang pinipilit kong magbra kahit wala nman akong suso. Ganoon ang metaphor ko sa samahan natin. Pinipilit ang wala naman at hindi dapat.

Kay tooot: You are just an apprentice. Hindi ko dapat pababain ang sarili ko sayo. Tingnan na lang natin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

Pero don't get me wrong. Hindi ako nagdadrama ha. Masaya kong narealize ang mga bagay na ito.

Oh, but now
I don't find myself bouncing home
Whistling buttonhole tunes to make me cry
No more I love you's
The language is leaving me
No more i love you's changes are shifting
Outside the words

Saturday, August 04, 2007

DARKEST DAY EVR!

DARKEST DAY EVR!


25 days to go and im turning 20 na.

Bakit pa naloloka ako dito sa birthday na ito? Kasi naman, these year marks the end ng aking teenager days.

For me, it marks a new beginnging...

A new chapter...

New friends...

New boylets...

More blessings...

More challenges...

And besides, im the kind of person na hindi takot tumanda. For me, habang tumatanda ay mas lalo ka nagiging wise at mas fabulous. Trip ko pa nga magparty kahit inuuod na ang fez ko at body.

At dahil siyempre malapit nq magbirthday, ililista ko na ang aking much awaited wishlist. For the dirst time in my life ay naghanda ako ng wishlist. Sawa na siguro akong maghintay na may magbigay. At kung may magbibigay ay hindi ko pa gusto...hahaha! Why will I settle for things given to me na hindi ko gusto...if i could tell people na kunhg nao gusto nila and see kung kaya nilang ibigay yun sa akin...(parang di na gifts to ah) db tama nman ako?

Pero bago yun, igigreet ko muna in advance din ang aking mga frends na magcecelbrate din ng kanilang birthday ngayong august.

AUGUST 8- AA ALumna and friend Ate Dewi
AUGUST 11-Jon De Chavez
AUGUST 17- BUDDY Mark
AUGUST 20- Batchmate and friend MArian
AND siyempre...AUGUST 29-MALDITA!
WISHLIST:
1. portable DVD player...cge na pls.
2. bench undies- im tired of my plain ones kc.
3. zippo- ung lighter
4. Plantsa sa buhok o blower
5. Kaha ng marlboro lights-huwag naman sana lahat kayo ito ang ibigay...35 pesos lang ba halaga ng pagmamahal niyo sa akin!
6. pumps- pls. i need new shoes.
7. skinny keans
8. fabulous tops- my quintessential fabulous black tops, or my new favorite colored shirts
9. boquet of white roses- dream ko ito eversince
10. porNARNIA-hehehe.
11.Special date with....toooooot! hehehe.
12. AQUARIUS or SCORPIO- nagpaparinig na po....
13. heartfelt na letter- pero pag letter lang dapt my kasamng gift ah.hehehe
14. BUDDY Mark-hehehe...mas maganda pa kung makukumpleto niyo lahat ng buddies ko.
15.Overnyt inuman
16. white na herbench wallet
17. A good TOP- if u know waht i mean.
18-infinity. BOYFRIEND

Ayan ah... maraming araw pa ang dadaan...sana makapagprepare na kayo. Dadaan din ang prelims...magtipid kayo ng baon niyo...

Huwag kayo magpapakita kung HAPPY BIRTHDAY lang ang ibibigay niyo sa akin. Buong buhay ko puro greetings na lang ang natatanggap ko!

Wednesday, August 01, 2007

Patikim...

PATIKIM...

Ang mga pelikula…bumebenta dahil sa mga trailers nila. Bago pa lamang ilabas ang film, trailers na ang inaabangan ng mga manunuod. Dito nasasabi kung kaabang-abang ba ang pelikulang panonorin. Ang mga libro…dinadagsa ng mga mambabasa dahil sa bonggang covers nito. I remember noong bata pa ako ay mahilig akong magbasa. Every Sunday ay trip to the nearest bookstore ang drama ko….at ang pocketbook na may pinakamagandang cover ay inuuwi ko upang mabasa. Ang mga play din ganoon…Mas nakikiliti ang utak ng mga manunuod kung sa teasers pa lamang ay makukuha mo na ang kanilang atensyon.

Ganoon siguro talaga. Kinakagat natin ang mga patikim dahil kapag nagandahan tayo sa kanila ay umaasa na tayong may magandang makukuha sa panunuod o pagbabasa nito.

Pero paano kung puro patikim na lang? Paano kung ang trailer e wala pa lang pelikulang kasunod. O ang librong may bonggang cover ay hanggang sa cover lang pala maganda.

Ganyan ang istorya ng aking buhay pag-ibig. Kung hindi nagtatapos sa isang trahedya ay hanggang trailer lang.

Hindi ko na bibilangin ang mga istoryang ganito sa buhay ko. Baka bumaha lang ang luha o sunugin ko lang itong netopia dapitan.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito lagi ang buhay pag-ibig ko.

Dalawa lang naman ang kinababagsakan ng mga lalake sa buhay ko:

Una…ang mga lalakeng natututunan kong mahalin at pag-ubusan ng effort at panahon. Sila ang mga lalakeng nagiging crush ko pagkatapos nagiging ka-close ko hanggang sa humantong na sa love. O pwede ring sila ang mga lalakeng ka-close ko pagkatapos sa di maipaliwanag na suntok ng tadhana ay nahuhulog ako para sa kanila.

Lahat ng mga lalakeng nasa kategoryang ito ay sadya o di sinasadyang nasasaktan ako. Kaya trahedya ang kinalalabasan ng aming kuwento. Ito ang mga pag-big na tumatatak sa puso ko at minsan ay mahihirapan akong mag-move on. Minsan kinailangan ko pang gumanti, at ang huli ay kinailangan ko pa ng Buddhist Wisdom and Chandting para lang maintindihan kong di talaga kami para sa isa’t-isa.

Ganoon talaga kasi ako kapag nagmahal, kahit ano pa man yan, binibigay ko talaga yung buong oras, panahon at pagkatao ko. Magbibigay ka na rin lang dib a? E di buo na.

Pangalawa…Ang mga lalakeng una naming lumalapit sa akin. Sila yung mga lalakeng Bago pa man makilala ng lubusan ay umaamin nang gusto nila ako. (siguro nachachallenge sila sa personalidad ko…charot!) Sila ang mga lalakeng nakikita ko sa downelink o bigla na lang makakabangga sa kalsada o manghihiram ng lighter sa baba ng LRT.
Lahat ng lalakeng kabilang sa kategoryang ito ay nawawala sa akin dahil sa punyetang rason. Ayoko kasi ng minamadali ako. Ayaw kong magrelasyon dahil gusto ko lang. Gusto ko mahal ko. E yung iba minamadali ako…kaya ayun, umaalis na lang sila. Yung iba naman, hindi nakakapghintay. Sa una maghihintay daw, pero after a week, may iba na. Hindi ko naman sinabing maghintay ng isang taon o buwan di ba? Gusto ko rin ng lalake no. Mga 2 weeks kaya…charot!

Pangatlo…ang mga lalakeng walang magawa at gusting ibandera ang mga pagkalalake nila sa kung sinu-sino. Sila yung mga may boyfriend at girlfriend na pero gusto pa rin akong isama sa drama ng buhay nila.

Ako naman…meron na, so bakit pa ako makikisawsaw..di ba? At saka selfish din ako at times. Gusto ko yung akin…akin lang. ayaw ko ng kahati. Kaya ang ending, hindi ko na alng sila binibigyang pansin.

At ang pang-apat at huli…ang mga lalakeng maganda ang start ng drama namin. Pareho kami ng gusto. Pareho kami ng takbo ng utak. Nasa kanya lahat ng gusto ko. At nasa akin din ang mga gusto niya.

Mukhang perfect pair na ba? Wit! Hindi pa rin. Sa kung naong kabongga ng pilot episode naming ay bigla na lang pinuputol ng network ang serye. Wala man lang ending. Bigla na lang nagdidisappearing act ang mga gago.

Kaya ayan…sinong matutuwa sa buhay pag-ibig na ganyan.

Hindi ko inaalis ang katotohanan na natuto ako sa bawat isang experience na iyon…pero hanggang patikim na lang ba? Para kang binigyan ng lollipop..tapos kinain mo na…tapos babawiin pa sayo.

Kaya siguro ganito ang pagtingin ko sa pag-ibig…bitter.

Pero masisisi niyo ba ako…

Hay…soon I’ turn twenty na. Sana di lang edad ang madagdag…sana lalake rin.

At sana hindi lang hanggang patikim…hanggang kainan din…hahaha!

Tuesday, July 03, 2007

B-U-D-D-Y...buddy, buddy, BUDDY!!!

Ang BUDDY SYSTEM sa AA ay isa sa mga inaabangan at pinakamasayang parte sa APPRENTICE life ng mga bagets. Dito, sinusulatan ng mga apprentice ang mga members na nagtatago sa ilalim ng isang codename.
It's been four years now. Senior year ko na sa AA. At katulad ng ibang mga taon, panahon na naman for buddies.



As of now i have four. Binibilang ko lahat kahit ano pa man ang mga kuwneto nila kung bakit ko sila naging buddy.

ANDY MATIAS- Nagkulang kami sa oras. Hindi kami masyado naging close pero alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at malapit siya sa puso ko. Buong panahon pala kasi ay nagkakahiyaan kaming dalawa na gumawa ng move.

EDGE CARAON- Buddy ko siya nung second year na aq. So the drama ang storya naming dalawa. Pero ng tumagal okay na rin. Sobra dami ko dreams noon for him. Pero kahit ano pa ang mangyari masaya ako kasi nasettle namin yung differences namin. Mahal ko 'tong taong 'to ng sobra!



KATE MAGNO- Buddy ko siya nung third year ko sa AA. Dito ko natest sa sarili ko na kahit di ako sure sa tao basta mahal ko gagawin ko lahat. Ginawa ko lahat para huwag siya magquit. pero may mga tao sigurong hindi talaga pang-AA. Pero masaya ako na kahit wala na siya sa AA ay nalagpasan namin iyong boundaries ng org. Ngayun, hindi na lang sa AA nakukulong ang pagiging mag-buddies namin.

GIAN ENRIQUEZ- Hindi ko siya pinili at hindi niya rin ako nabunot. Siya ang pumili sa akin. hehe. May buddy na kasi siya talaga. Nagpampon siya sa akin. Siguro gusto ko talaga ng madramang buddy life. Ang kwento siguro namin ang pinakamadrama kong buddy experience. Name it, napagdaanan na namin kaya special sa akin itong taong ito. Pero kahit ano pang mangyari, sabi niya nga rin sa akin, siguro hindi na namin mabubura ang isa't-isa sa buhay
namin kahit ano pang gawin namin.




AT ngayon sa last year, for the first time ay hindi ako namili. Nakuha na kasi lahat. Kaya kailangan akong mabunot. At up to now ay wala pa rin. Sinasabi ko sa lahat na hindi ko susulatan ang mga makakabunot o mabibigay sa akin dahil hindi ko naman sila pinili. Ewan. Bitter lang siguro ako sa fact na last year ko na ito tapos wala pa akong mapili. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung mapapalapit ang loob ko sa mga mapupunta sa akin. Knowing me...malambot din naman puso ko kahit maldita ako. Sana na lang magtagal sila.

Para naman sa mga naging buddies ko, huli man ay kagabi ko lang narealize na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila. Proud ako sa fact na iyon. Hindi lang talaga siguro maaring maging sila yung gusto kong maging sila. Masama rin na gusto lang nating mahalin at pakitunguhan tayo sa paraang gusto natin di ba.

Basta. MAHAL NA MAHAL ko SILA!

Hay...sana magustuhan ko yung mga makukuha ko.

Wednesday, May 23, 2007

energy booster...


Minsan napagod ako...

At napagod muli...



Buti na lang merong...
RUSH-energy drink
when at your lowest...inom ka lang!

Wala lang..

.hehehe!

silence...



May kuwento ako...



Ito ay tungkol sa Mime Raket namin sa Manila Peninsula last week.






Nakakapagod siya pero fulfilling naman in a way. At siguro, naredeem ko na ang sarili ko. Kaya ko palang magtrabaho na hindi hinahalo ang personal na emosyon.



Kay Kuya Ryan, Kuya Steeve at Ate Mariel...Im so happy kasi naging mas close tayo because of this. Thank you kasi di niyo ako iniwan during my churva moments...hehehe! Salamat sa mga yosi breaks natin k.ryan and sa mga kuwento mo sa accident prone brother mo ate mariel. K.steeve, sobrang daming salamat sa pagsabay sa akin pauwi...U KNOW naman ang pinagdadaanan ko. hahaha!



Kay Samuel...ay naku..di ko nagawa iyon lahat kung wala ka. Salamat din sa opportunity.


Kay Apol...for brightening our rehearsals dahil sa napakaputi niyang mukha dahil sa make-up.


Kay Estar at Jon...para sa chocolate chip sundae at sa mga usapang kachenesan.


Kay Gian...for trying na hindi talaga malate kahit galing pa sa isang raket.


At kay Eiv...sa pagpapasakit ng ulo ko...hehehe!


Sobrang mamimis ko talaga ito. May mga moments na ayaw ko na pero iniisip ko na lang na hindi lang para sa akin ito...para rin sa kanila. At dahil din dito ay marami akong natutunang mga bagay kagaya ng...


1. May mga bagay na mahirap at masakit pagdaanan pero kapag natapos na at kailangan mo ng iwan ay mahirap gawin. At hindi mo mapipigilan ang sarili na alalahanin ang mga nagyari.


2. Hindi lang lagi tungkol sa sarili natin ang mga bagay-bagay. Marami tayong naapektuhan sa ginagawa natin. At kailangan din isipan ang kapakanan ng iba kasabay ng pag-iisip natin ng ating kapakanan.


3. Mahirap maging pipi. Mahirap maging bulag. Mahirap magkunwari na wala kahit meron.




Tapos na. At hindi man ako nagsuot ng puti at nagpintura ng puti sa mukha...alam ko sa sarili ko na naging mime din ako sa sarili kong paraan. Nagmime ako...hindi nagsalita at itinago ang lahat ng nararamdaman. Masakit pala magmime.


At sa huli...kung itatanong niyo kung mime pa rin ba ang pinag-uusapan...




Ang sagot...










OO!





..ata...





Friday, May 04, 2007

AHAS-nagpapalit ng balat...


Kaya ba talagang magbago?


Ang dating panget maaring gumanda...


Ang dating malungkot ay magiging masaya...


Ang dating madamot nagiging mapagbigay...


Ang dating mapaghiganti ay aasamin na lamang ang kaligayahan ng iba...


Ang dating masama maaring maging mabuti?


Nararamdaman kong nagbabago ako. Hindi ko sinasabing ayaw ko nito. Maganda nga sa paningin ng iba at maluwag dalhin sa dibdib ko. Hindi ko lang mapaniwalaan na kaya ko o hindi ko mapaniwalaan na ako nga ba itong tao ito ngayon.


Nagbabago nga ba ako o kinikimkim ko lamang lahat at isang pitik ay maaring sumabog sa katagalan.


Sana hindi naman.


Masaya ako sa ganito ngayon.


Masaya ako sa sinasabi ng iba na bagong ako.


Mas maluwag sa pakiramdam ang ganito.


Pero ako nga ba talaga ito?


Hindi ba't ang ahas magpalit man ng balat ay ahas pa rin?


wala lang....

Tuesday, April 24, 2007

excuse me!

Napagod kami (me, blockmate, jellyace, joselle, apol, karen) today. We went sa UST para mamigay ng flyers sa mga incoming freshmen ng AB kasi nga enrollment na raw nila ngayon. Pero...EXCUSE ME! Enrollment nga...pero hindi AB. Sino bibigyan namin ng flyers dun? Buti pa ang Theater Thomasians ay namamayagpag sa pamimigay ng mga flyers nila dahil pang buong unibersidad nman and drama ng mga lokah. E kami, pang AB lang saklaw (pero pang buong unibersidad ang ganda..hahaha!) Kaya iyon babalik na lang daw kami bukas sabi ni jellyace.

At dahil naawa ako kay jellyace na kinasangkapan pa si Mrs. Doro para mag-cutter ng mga flyers pero walang nangyari ay sinamahan ko siya sa trip niya sa makati. Humingi nga ako ng pasensya kay blockmate, yosi buddy, buddy ehji at drei dahil dapat magkakape kami.

Anyway, pumunta kami sa may Chino Roces sa may Marvin Plaza. Doon kasi yung office ng canon. Ipinacheck kasi doon ni jellyace yung vidcam niang sira. Hindi pa naman ginagawa. Iniwan nia lang doon pansamantala at kanina ay pumunta kami doon para ipa-estimate kung magkano aabutin ang pagpapagawa. Sikreto kasi kay mudang niya ang pagpapaayos. E di nagtanong na nga kami. Aba! Kagulat-gulat! EXCUSE ME uli! Napakamahal! Umaabot na ng P8,000 ang babayaran. E siya lang naman ang magshoshoulder noon. Kaya imbis na after nun ay magliliwaliw pa kami ng Glorietta ay nainis na si jellyace at bumalik na kami ng UST.

Pagbalik ay naghanap kami ng probable new dorms niya. Yung mga kasama niya kasi sa kuwarto ay aalis na. Apat sila doon. Yung isa...i forgot kung ano yung reason. Yung 2 ay sasama na sa ibang dorm with their other nursing friends. Kaya naiwan mag-isa si jellyace. Nagtatanong naman siya sa nagbabantay ng dorm nila kung may naghahanap ng kuwarto o may pwede siyang joinan na ibang room pero EXCUSE ME! Laging "WALA" ang sagot sa kanya ng tibong tagapagbantay...o di ba san ka pa?!

Nilibot namin ang buong Dapitan(dahil gusto niya malapit lang). Pero walang suwerte. Lahat puno na. Ayaw naman niya sa sampuan na ano? anO siya...sardinas?

Kaya nagpasya na lamang akong ihatid siya sa harap ng dorm niya sa harap ng Forbes. Habang naglalakad kami sa may Bangko ng Unibersidad sa tabi ng Chowking ay bigla na lamang may humablot ng kamay ko ng marahan lang naman. Ang sabi ng mamang nakablack na polo at pantalon na chaka ang gupit ay "EXCUSE ME, oi, kamusta ka na?" Puhleesss! E hindi ko nga siya kilala. Kaya ang tangi ko na lamang nasabi ay" Pasensya, hindi kita kilala." At umalis na kami ni jellyace at nagmadaling lumakad. Ang weird! Mabuti na lamang at hindi na sumunod kung hindi ay makakatikim na siya ng isang umaatikabong EXCUSE ME sa akin.

Tuesday, April 10, 2007

cool


Cool


It's hard to remember how it felt before

Now I found the love of my life...

Passes things get more comfortable

Everything is going right


And after all the obstacles

It's good to see you now with someone else

And it's such a miracle that you and me are still good friends

After all that we've been throughI know we're cool


We used to think it was impossible

Now you call me by my new last name

Memories seem like so long ago

Time always kills the pain


Remember Harbor Boulevard

The dreaming days where the mess was made

Look how all the kids have grown

We have changed but we're still the same

After all that we've been throughI know we're cool


And I'll be happy for you

If you can be happy for me

Circles and triangles, and now we're hangin' out with your new girlfriend

So far from where we've been

I know we're cool

Saturday, April 07, 2007

CONGRATULATIONS!


Ayan...nag-amok ang mga pilipino ng binitawan ni Prince Gian ang madramang linya niya kay Janelle...kaya sumumpa ang mga ito na ipaghihiganti ang lahi natin...hahaha!


Habang wala akong mapanood kagabi sa TV(kahit may cable pa kami) Ay napanood ko ulit ang Moments of Love nila Iza Calzado at Dingdong Dantes. Alam naman na rin nating lahat ay tungkol ito sa isang pag-ibig na nagmula sa magkaibang panahon.


At dito na nga natin kukunin ang madramang linya na tatapat kay koreanong prinsipe.


Sa eksenang umamin na si Marco(Dingdong Dantes) na mahal niya rin si Divina(Iza Calzado) at gulong-gulo na sila kung paano ang magiging set-up nila ay sinabi ito ni Divina.


DIVINA:"Pinagtagpo tayo ng kapalaran...Ngunit hindi tayo ang nakalaan para sa isa't-isa".


Simple pero madrama...


Kung ang kay Koreanong prinsipe ay madramang may halong pait...kay Divina naman ay madramang linya kung saan tinatanggap niyang hindi sila para sa isa't-isa at kailangan niyang palayain ang mahal.


*Siguro...ito na ring linyang ito ang sasagot sa aking matagal ng tanong na kung bakit ba pakiramdam ko ay chess pawn lang ako lagi na ginagalaw ng magkaibang mga chess pieces para makamit nila ang golas nila...eto na siguro ang sagot.


...Hindi lahat ng nakikilala ko at minamahal ko ay garantisadong sila na ang para sa akin... Pinagtatagpo kami...pero hindi pa siya ang para siguro sa akin...

Group LOVE...

Ang konsepto ng mga pilipino sa pakikipagrelasyon ay ito...

Nakikita natin ang pagmamahal at pakikipagrelasyon bilang isang espesyal na bagay na nangyayari sa pagitan ng dalawang nilalang. Mapababae at lalake...lalake at lalake o babae man at babae...kapag naramdaman nila sa isa't-isa na mahal nila ang isa pa ay maari na rito magsimula ang isang relasyon.

Minsan nga...kaya may mga tao na gustong-gusto magkaroon ng karelasyon ay dahil sa hindi nila mapigil mamangha o mainggit man lang kapag nakakaita ng magkarelasyon. kapag may karelasyon ka kasi ay lumalabas na para kayong may sariling mundo...mundo kung saan kayo lang ang maaring manirahan...at sa inyo lang iyon at walang maaring makagambala.

Kahapon habang wala akong magawa sa bahay ay nakapanood ako ng isang episode ng tyra show at bilang isang pilipino na pandalawahan din ang tingin sa pakikipagrelasyon ay nagulat ako...

Managing one relationship is hard enough, but in the world of polyamory, people deal with two or three relationships at the same time! To understand this committed group love, Tyra invited a group of polyamorists to the show to explain how their intimate networks function. Valkyrie was 16 years old, was raised in a polyamorous home and had her first polyamorous relationship when she was 13. She explained polyamory was not the same thing as polygamy. Polyamory translated into “many loves” and both partners were able to be intimate with others, while polygamy was the practice of one man having multiple wives who were not allowed to be intimate with others.

Mataray at Sushal hindi ba? Parang ipinapakita nito na hindi dapat makulong sa isang pandalawahang relasyon ang pag-ibig. Hindi nga naman masama hindi ba? At least mababawasan ang mga kumplikasyon sa pag-ibig. hindi na rin kakantahibn ang kantang "sana dalawa ang puso ko".

Kung mahal mo siya...at mahal mo pa ang isa...at kaya niya nmang mahalin ang isa pa e di eto na ang para sa inyo...

Ang panget nga lang dito ay siyempre mababawasan sa aking palagay ang exclusivity sa relasyon. Oo, napapag-usapan nila doon ang scheduling pero iba pa rin pag alam mong sayong-sayo lang ang taong mahal mo hindi ba?

Siguro nga hindi ba talaga tayo handa sa mga ganitong bagay...

Hay...pag-ibig nga naman...ikulong man..hahanap at hahanap ng paraan upang kumalat.

Thursday, March 22, 2007

Isang pamamaalam...

Madaming agam-agam sa aking isip at puso nitong mga nakaraang araw
Pero habang tumatagal ay natatanggap ko na
OO!
Tapos na nga...
Isang buwan na...
Tapos na.
Tapos na ang kabanata ng aking buhay kung saan kinaya kong kumawala sa personang itinatak sa akin ng mga tao para lamang sa "kanya".
Tapos na ang kabanata kung saan kinaya kong magbigay ng higit pa sa binibigay ko dati at higit pa sa kaya kong ibigay.
Tapos na ang kabanata kung saan tumibok ang aking puso hindi na lamang para sa sarili ko kundi para sa "kanya" para lamang mapanatili siyang buhay...ligtas...at masaya.
Magiging plastik ako kung hindi ko aaminin na umasa ako na ito na. Umasa akong maaring ito na ang magbabago sa aking mapait na buhay. Umasa akong ito ang mag-iiba ng takbo ng aking kapalaran at ang magdadala ng liwanag sa madilim kong mundo.
Pero sabi nga ng isang text message..."Hindi lahat ng hawak mo ay sayo na." Totoo! hindi lahat ng bagay o tao na andyan sa tabi mo ngayon ay kasama mo na habang buhay. Hindi naman natin kasi sila pag-aari na maari nating kontrolin ang bawat galaw at tibok ng kanilang puso.
Kaya ito ako ngayon...nagsisimula muli sa umpisa. unti-unting pinupulot ang sarili upang mabuhay muli.
Hindi ako galit...o kailanman ay nagalit sa kanya. Wala ksing mangyayari kung magpapakalunod ako sa mga ideyang sinaktan niya ako, niloko o kung ano pa man. Ang tanging problema lamang dito ay minahal ko siya ng sobra ngunit hindi niya ako kayang mahalin sa paraang gusto ko. Hindi niya...hindi nila...kasalanan iyon. Nagmahal lang sila. Malungkot lang nga dahil kailangan masama pa ako sa kanilang storya. Ako na naman ang chess pawn na ginalaw para makamit ng magkaibang chess piece ang kanilang minimithi.
Pero siguro masasanay din ako.
Basta ang gusto ko lang sabihin ay SALAMAT! Salamat sa iyo!
Dahil sayo ay naramdaman kong kaya ko na magmahal matapos ng lahat ng pait at galit na binalot ko sa sarili ko.
maldita: Ayoko ng nagyayari sa akin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
****: Ngayon lang iyan. Someday makikita mong may positive thing na kalalabasan iyan.
Siguro ito na nga iyon.
Natapos man ang kabanata natin ay nagpapasalamat ako sayo.
Binuhay mo ang puso ko kahit sa sandaling panahon.
SALAMAT! HANGGANG SA MULI!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
**********
When I wake up each morning
Trying to find myself,
And if I'm ever the least unsure
I always remind myself.
Though you're someone in this world
That I'll always choose to love,
From now on you're only
Someone that I used to love

Wednesday, March 21, 2007

princess hours

CONGRATULATIONS!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Nauna na si Anne Curtis sa aking listahan. Pero papatalo ba naman ang mga laganap na koreanovela sa mga matataray na lines ng ating mga teleserye?....siyempre hindi!

While i was bummin around last night at walang magawa sa kuwarto ay nakapanood ako ng episode ng Princess Hours. Madami na akong friends na nagsasabi na maganda daw ito. pero ayoko kasi nanonood ng mga series kapag nasa gitna na. sad to say ay hindi ko siya nasimulan.

E di iyon na nga... ang eksena kagabi ay ang pag-aaway ni prince gian at janelle after sa isang interview sa telebisyon.

madaramang away talaga...at habang nag-aaway at mega explain si janelle ay sinabi na ni prince ang kanyang madramang linya...

Prince Gian: " Hindi ko na alam kung kailan kita sinubukang mahalin. Dumating na lang ang araw na naiisip kita. Nahukay mo ang kailaliman ng puso ko. Pinalambot mo ang bato kong puso.

Pero anong ginawa mo...Tinapakan mo ang puso ko.

Ito ang tandaan mo...Ikaw ang unang tumalikod sa atin, hindi ako."


Congratulations! Tagos sa puso. Malay ba ng koreanong ito na ganito ang kinalalabasan ng pagtatranslate ng mga pilipino sa mga linya nila. pero i must say...Panalo talaga!

Wednesday, February 14, 2007

valentines day

narito na ang araw!
ang araw kung saan sinasampal sa akin ng buong sangkatauhan na wala akong karapatang magmahal at mahalin...
binubuhay ko ang puso ko pero pinapatay ako ng mundo ng unti-unti...
PUNYETA! PUTANGINA!
gusto ko ng sumuko!
PUTANGINA!
WAG SANA DUMATING ANG ARAW NA AKO NA ANG SUSUKO AT KAYO NAMAN ANG MAGHAHABOL!

Monday, January 29, 2007

fuck



Hindi ako habambuhay nakatali...
Hindi ako habambuhay magiging tanga...

Darating ang panahon na makakalaya din ako...

At kapag dumating na ang panahon na iyon...

Humanda ka!

Ikaw ang una kong papatayin!

Mararamdaman mo kung gaano kasakit ang ginagawa mo!

Malapit na!
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
Malapit na!