Ang BUDDY SYSTEM sa AA ay isa sa mga inaabangan at pinakamasayang parte sa APPRENTICE life ng mga bagets. Dito, sinusulatan ng mga apprentice ang mga members na nagtatago sa ilalim ng isang codename.
It's been four years now. Senior year ko na sa AA. At katulad ng ibang mga taon, panahon na naman for buddies.
As of now i have four. Binibilang ko lahat kahit ano pa man ang mga kuwneto nila kung bakit ko sila naging buddy.
ANDY MATIAS- Nagkulang kami sa oras. Hindi kami masyado naging close pero alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at malapit siya sa puso ko. Buong panahon pala kasi ay nagkakahiyaan kaming dalawa na gumawa ng move.
EDGE CARAON- Buddy ko siya nung second year na aq. So the drama ang storya naming dalawa. Pero ng tumagal okay na rin. Sobra dami ko dreams noon for him. Pero kahit ano pa ang mangyari masaya ako kasi nasettle namin yung differences namin. Mahal ko 'tong taong 'to ng sobra!
KATE MAGNO- Buddy ko siya nung third year ko sa AA. Dito ko natest sa sarili ko na kahit di ako sure sa tao basta mahal ko gagawin ko lahat. Ginawa ko lahat para huwag siya magquit. pero may mga tao sigurong hindi talaga pang-AA. Pero masaya ako na kahit wala na siya sa AA ay nalagpasan namin iyong boundaries ng org. Ngayun, hindi na lang sa AA nakukulong ang pagiging mag-buddies namin.
GIAN ENRIQUEZ- Hindi ko siya pinili at hindi niya rin ako nabunot. Siya ang pumili sa akin. hehe. May buddy na kasi siya talaga. Nagpampon siya sa akin. Siguro gusto ko talaga ng madramang buddy life. Ang kwento siguro namin ang pinakamadrama kong buddy experience. Name it, napagdaanan na namin kaya special sa akin itong taong ito. Pero kahit ano pang mangyari, sabi niya nga rin sa akin, siguro hindi na namin mabubura ang isa't-isa sa buhay
namin kahit ano pang gawin namin.
AT ngayon sa last year, for the first time ay hindi ako namili. Nakuha na kasi lahat. Kaya kailangan akong mabunot. At up to now ay wala pa rin. Sinasabi ko sa lahat na hindi ko susulatan ang mga makakabunot o mabibigay sa akin dahil hindi ko naman sila pinili. Ewan. Bitter lang siguro ako sa fact na last year ko na ito tapos wala pa akong mapili. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung mapapalapit ang loob ko sa mga mapupunta sa akin. Knowing me...malambot din naman puso ko kahit maldita ako. Sana na lang magtagal sila.
Para naman sa mga naging buddies ko, huli man ay kagabi ko lang narealize na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila. Proud ako sa fact na iyon. Hindi lang talaga siguro maaring maging sila yung gusto kong maging sila. Masama rin na gusto lang nating mahalin at pakitunguhan tayo sa paraang gusto natin di ba.
Basta. MAHAL NA MAHAL ko SILA!
Hay...sana magustuhan ko yung mga makukuha ko.
No comments:
Post a Comment