Saturday, August 25, 2007

Premature Attractions

PREMATURE ATTRACTIONS

Nitong mga nakaraang araw ay nagkakaroon ako ng mga "tunganga" moments bago ako matulog sa gabi. Medyo nsira kasi ang reception ng cable ko sa kuwarto kaya channel 2 lang ang malinaw. Hindi ko naman type lahat ng palabas ng dos kaya maaga ko na lang pinapatay ang TV at nag-eenjoy sa dilim ng kuwarto. Sa isang linggong puro ganito ang drama ko ay nagkakaroon ako ng oras para pag-isipan ang mga nagyayari at ginagawa ko sa buhay ko lately...



Nitong mga nakaraang mga araw kasi ay nakakaramdam ako ng feeling na medyo bago para sa akin. Namimiss kong mainlove. Yung tipong kinikilig ako ng mag-isa sa jeep pauwi...Yung mag-isa akong nangingiti kahit nasa gitna ako ng mga taong hindi ko naman kilala sa daan... Yung laging may tumutugtog na music sa ulo ko na masarap ding sabayan habang naglalakad... Yung may inaalala ka maggising mo at bago ka matulog... mga ganoong bagay.



Sobrang weird nung feeling na iyon sa akin dahil alam ko namang hindi ako ganoon dati. Sa mga nakakakilala sa akin, ay alam nilang hindi tipikal na xi iyong nakakamiss ng love. Ilang taon akong naging nuknukan ng kabitteran sa buhay at pag-ibig. iyong kulang na lang na kapag may nakikita akong sweet ay sunugin ko sila. Dumating ang panahon na sinusuka ko na ang pag-ibig dahil gusto ko na siyang iwasan habang nabubuhay ako.



Pero ngayon, kakaiba atang namimiss ko ang magmahal.



Iniisip ko sigurong maraming pagbabagong nangyari sa pagkatao ko...sa aking personalidad at paguugali...matapos ang huling beses na nagmahal ako. Iniisip kong ang pagmamahal na nagyari sa akin noon ay masyadong binago ang aking pagkatao. Binura nito ang kapaitan ng puso ko. Binuhay nito muli ang aking puso. Isang pagmamahal na lumamon sa aking buong sarili. Ganoon siya kabigat na siguro iniisip kong bakit hindi ko siya ulitin. Bakit hindi ko siya subukan muli sa iba.

Pero sa aking kagustuhan na muling umibig ay maling mga pintuan naman ata ang kinakatukan ko. Nararamdaman ko kasi na pinipilit kong maghanap ng mga tao na baka sakaling sa kanila ko uli maramdaman ang naramdaman ko. At noong sinabi kobng pilit...pilit talaga. Pilit na nag-aaway na ang kagustuhan kong makahanap ng pag-ibig at ang aking tunay na personalidad.

Ako kasi yung klase ng tao na may kasinglaki ng aparador na pride at kasing taas ng Mt. Apo na standards. Hindi ko ipagsusuksukan ang sarili ko sayo kung pakiramdam ko ay pinabababa ko naman ang pagkatao ko...or to that effect.

Pero ngayon...ay yung na nga.

Kaya nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ako ng realization na gumising muna sa aking pagdiday dreaming. Sabi ko nga sa sarili ko ay hindi ko kayang gawin lahat at kontrolin laaht ng bagay. Isasama ko na lang ang aking minimithi sa aking chanting.

Sabi nga ng isang quote...ang pagmamahal minsan ay parang nagmamahal ka sa isang pader. Kahit ipilit mo ang sarili mo, wala pa rin silang tinag. So I will spare myself na lang from the hurt. Kung hindi...hindi...kung oo...oo. At kung hindi talaga matinag ay gibain na lang.

Mas magandang mahinog muna ang mga emosyon at pagsasama kesa ipipilit siya ng masyadong maaga.

Kay B.M.S: Siguro masyado lang ako nagstick sa realidad na dapat ikaw ang buddy ko. At masyado akong sumaya na nakakapagtext tayo. Pero siguro hanggang doon na lang iyon. Parang pinipilit kong magbra kahit wala nman akong suso. Ganoon ang metaphor ko sa samahan natin. Pinipilit ang wala naman at hindi dapat.

Kay tooot: You are just an apprentice. Hindi ko dapat pababain ang sarili ko sayo. Tingnan na lang natin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

Pero don't get me wrong. Hindi ako nagdadrama ha. Masaya kong narealize ang mga bagay na ito.

Oh, but now
I don't find myself bouncing home
Whistling buttonhole tunes to make me cry
No more I love you's
The language is leaving me
No more i love you's changes are shifting
Outside the words

No comments: