Monday, September 17, 2007

Paalam Part1

Bibi Part1
Kagaya ng nauna ko ng nasabi...
"Darating ang panahon, igilan ko man o hindi ay kailangan kong lumisan at mag move on. Gustuhin ko man o hindi ay wala akong magagawa dahil iyon ang kailangan."
At sa bawat araw na lumilipas ay nararamdaman kong totoo at nagiging totoo ang mga sinabi ko.
Mahirap.
Masakit.
Malungkot.
Nakakapanghina isipin.
Pero kailangan kong gawin.
Unti-unti ko ng hinahanda ang aking sarili.
Sana matutunan kong maging manhid sa lalong madaling panahon.
Sana makaya kong hindi masaktan kapag iniwan ko na siya.
Hindi ko maubos maisip na kailangan kitang iwan pagdating ng panahon...at kailangan pa sa ganitong paraan...

Thursday, September 13, 2007

So TIRED...

Minsan nakakapagod mabuhay
Nakakapagod magkunwari
Nakakapagod magsinungaling
Nakakapagod na magpakamanhid
Nakakapagod tumawa
Nakakapagod lumakad
Nakakapagod ngumiti
Nakakapagod umiyak
Nakakapagod malungkot
Nakakapagod pumili ng damit na kailangang isuot
Nakakapagod manood ng TV
Nakakapagod mag-internet
Nakakapagod tumunganga
Nakakapagod tumingin sa fone kung may nagtext
Nakakapagod tumingin sa orasan na ang bagal gumalaw
Nakakapagod mag-isip
Nakakapagod umasa
Nakakapagod mangarap
Nakakapagod ngumiti kahit ayaw mo
Nakakapagod umintindi ng mga tao
Nakakapagod ng ikaw na lang lagi
Nakakapagod magsapatos araw-araw
Nakakapagod maghintay
Nakakapagod ipilit ang sarili sa tao
Nakakapagod magsalita
Nakakapagod magtago
Nakakapagod matakot
Nakakapagod maging matapang lagi
Nakakapagod maging mabait
Nakakapagod magmaldita
Nakakapagod sumigaw
Nakakapagod magyabang
Nakakapagod mainggit
Nakakapagod makinig
Nakakapagod magmahal
Nakakapagod lumaban
Nakakapagod ang mga bagay na paulit-ulit...
Nakakapagod ang mga bagay na hindi na nagbago...nagbabago at magbabago
Nakakapagod gawin ang bagay na nakasanayan ko na.
Nakakapagod sabihin sa sarili na okay lang lahat kahit hindi naman ata.
Napapagod na AKO.
Kung kaya ko lang iwan ang mga nakasanayan ko...
Kung kaya ko lang huwag matakot sa mga pagbabago...
Kung kaya ko lang lumayo at huwag ng magpakita habambuhay...

Wednesday, September 12, 2007

Maskara...

Maskara...Pagkukunwari...
Katotohanan...BitterBitch!



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Lahat tayo ay may mga maskarang sinusuot araw-araw upang ikubli ang kung ano mang mga bagay na ayaw nating ipakita sa iba. Marahil ito ay ang masamang pagkatao natin na ayaw nating ipakita sa iba, mga sikretong kapag lumabas ay magsisimula ng ating kasiraan, o minsan, ang mga kahinaan nating hindi maaring malaman ninoman upang hindi nila ito magamit laban sa atin.

At sa panahon natin ngayon, sa daming bagay na kailangan nating itago sa madla ay hindi lamang isang maskara ang isinusuot natin. Isa sa pamilya, sa kaibigan, etcetera...etcetera. Kung minsan pa ay napapagbaliktad na natin ang kung anong maskara ang dapat nating gamitin.

Habang naghahalungkat ako ng gamit kagabi ay may nakita akong maikling sulat na ibinigay sa akin ng aking kaibigan.
Nakalagay doon na... "Mahirap ang ating kalagayan dahil hindi natin maaring ipakita ang tunay nating mukha sa iba sa likod ng ating mga maskara. Kinakailangan ito alinsumod sa batas ng tao, kalikasan at ng diyos kung meron man."


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Napaisip tuloy ako.

Mahirap ngang kumawala sa kung ano mang maskara ang sinusuot mo.

Siguro, hindi na mahalaga ngayon kung ano ang tunay na ikaw...kundi ang maskarang sinusuot mo. Mahirap kasing ilantad mo ang tunay mong mukha pagkatapos ay hindi naman pala magugustuhan ng iba.

Nawawala na ang katotohanan sa ating mga bagay dahil sa samu't-saring pagkukunwaring ginagawa nating lahat.

Nakakatakot lang.

Baka sa susunod akong magtanggal ng maskara ay maskara pa rin pala...

O di kaya...

Wala pala talaga akong mukha at binubuo ko lang ang aking pagkatao gamit ang aking mga maskara.



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




Masama bang subukang ipakita ko ang tunay kong sarili?