PATIKIM...
Ang mga pelikula…bumebenta dahil sa mga trailers nila. Bago pa lamang ilabas ang film, trailers na ang inaabangan ng mga manunuod. Dito nasasabi kung kaabang-abang ba ang pelikulang panonorin. Ang mga libro…dinadagsa ng mga mambabasa dahil sa bonggang covers nito. I remember noong bata pa ako ay mahilig akong magbasa. Every Sunday ay trip to the nearest bookstore ang drama ko….at ang pocketbook na may pinakamagandang cover ay inuuwi ko upang mabasa. Ang mga play din ganoon…Mas nakikiliti ang utak ng mga manunuod kung sa teasers pa lamang ay makukuha mo na ang kanilang atensyon.
Ganoon siguro talaga. Kinakagat natin ang mga patikim dahil kapag nagandahan tayo sa kanila ay umaasa na tayong may magandang makukuha sa panunuod o pagbabasa nito.
Pero paano kung puro patikim na lang? Paano kung ang trailer e wala pa lang pelikulang kasunod. O ang librong may bonggang cover ay hanggang sa cover lang pala maganda.
Ganyan ang istorya ng aking buhay pag-ibig. Kung hindi nagtatapos sa isang trahedya ay hanggang trailer lang.
Hindi ko na bibilangin ang mga istoryang ganito sa buhay ko. Baka bumaha lang ang luha o sunugin ko lang itong netopia dapitan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito lagi ang buhay pag-ibig ko.
Dalawa lang naman ang kinababagsakan ng mga lalake sa buhay ko:
Una…ang mga lalakeng natututunan kong mahalin at pag-ubusan ng effort at panahon. Sila ang mga lalakeng nagiging crush ko pagkatapos nagiging ka-close ko hanggang sa humantong na sa love. O pwede ring sila ang mga lalakeng ka-close ko pagkatapos sa di maipaliwanag na suntok ng tadhana ay nahuhulog ako para sa kanila.
Lahat ng mga lalakeng nasa kategoryang ito ay sadya o di sinasadyang nasasaktan ako. Kaya trahedya ang kinalalabasan ng aming kuwento. Ito ang mga pag-big na tumatatak sa puso ko at minsan ay mahihirapan akong mag-move on. Minsan kinailangan ko pang gumanti, at ang huli ay kinailangan ko pa ng Buddhist Wisdom and Chandting para lang maintindihan kong di talaga kami para sa isa’t-isa.
Ganoon talaga kasi ako kapag nagmahal, kahit ano pa man yan, binibigay ko talaga yung buong oras, panahon at pagkatao ko. Magbibigay ka na rin lang dib a? E di buo na.
Pangalawa…Ang mga lalakeng una naming lumalapit sa akin. Sila yung mga lalakeng Bago pa man makilala ng lubusan ay umaamin nang gusto nila ako. (siguro nachachallenge sila sa personalidad ko…charot!) Sila ang mga lalakeng nakikita ko sa downelink o bigla na lang makakabangga sa kalsada o manghihiram ng lighter sa baba ng LRT.
Lahat ng lalakeng kabilang sa kategoryang ito ay nawawala sa akin dahil sa punyetang rason. Ayoko kasi ng minamadali ako. Ayaw kong magrelasyon dahil gusto ko lang. Gusto ko mahal ko. E yung iba minamadali ako…kaya ayun, umaalis na lang sila. Yung iba naman, hindi nakakapghintay. Sa una maghihintay daw, pero after a week, may iba na. Hindi ko naman sinabing maghintay ng isang taon o buwan di ba? Gusto ko rin ng lalake no. Mga 2 weeks kaya…charot!
Pangatlo…ang mga lalakeng walang magawa at gusting ibandera ang mga pagkalalake nila sa kung sinu-sino. Sila yung mga may boyfriend at girlfriend na pero gusto pa rin akong isama sa drama ng buhay nila.
Ako naman…meron na, so bakit pa ako makikisawsaw..di ba? At saka selfish din ako at times. Gusto ko yung akin…akin lang. ayaw ko ng kahati. Kaya ang ending, hindi ko na alng sila binibigyang pansin.
At ang pang-apat at huli…ang mga lalakeng maganda ang start ng drama namin. Pareho kami ng gusto. Pareho kami ng takbo ng utak. Nasa kanya lahat ng gusto ko. At nasa akin din ang mga gusto niya.
Mukhang perfect pair na ba? Wit! Hindi pa rin. Sa kung naong kabongga ng pilot episode naming ay bigla na lang pinuputol ng network ang serye. Wala man lang ending. Bigla na lang nagdidisappearing act ang mga gago.
Kaya ayan…sinong matutuwa sa buhay pag-ibig na ganyan.
Hindi ko inaalis ang katotohanan na natuto ako sa bawat isang experience na iyon…pero hanggang patikim na lang ba? Para kang binigyan ng lollipop..tapos kinain mo na…tapos babawiin pa sayo.
Kaya siguro ganito ang pagtingin ko sa pag-ibig…bitter.
Pero masisisi niyo ba ako…
Hay…soon I’ turn twenty na. Sana di lang edad ang madagdag…sana lalake rin.
At sana hindi lang hanggang patikim…hanggang kainan din…hahaha!
No comments:
Post a Comment