Today...August 29...marks the end of my teenage years. Korek! 20 na ako today...
So, dahil emosyonal ako at mahilig magbalik sa nakaraan ay magtitrip tayo pabalik sa mga nangyari sa aking teenage life...
13-first year high ako nito. This year ay simula ng napakaraming bago sa buhay ko. Siyempre, after 6 years sa elementary na may service ako, complete independence naman ang drama ko dito. Pinayagan na ako ni mudang na magcommute. Dito rin sa taong ito ay nagsimula ulit akong umasa na makita na ang lalake para sa akin. Matapos kasi ng pagpaparaya ko noong grade 6 ay inisip kong siguro naman sa hayskul ay pantay-pantay na ang labanan. Dalawa ang nakita ko. Iyong una, crush lang. Siya ang ultimate crush ko noon. Sabi ko sa sarili ko at dinadasal ko na kahit hindi man kami magkakilala basta magkaroon ako ng isang buong araw with him. 1st year ako noon at siya naman ay 4th year. Yung pangalawa, si A.J.D.C. yun yung seryosohan kunong emosyon ekek. Binabayad ko pa siya ng gagawa ng drafting plates niya para pumasa siya...punyeta! Ang resulta, sa akin pa nagpatulong para maligawan yung gusto niya.
14-Nakalagpas na ako AJDC sickness ko. Pero crush ko pa rin siya noon pero hanggang doon na lang. Walang masyadong landiang nangyari sa taong ito. Nagfocus ako sa studies ko kaya flying high ang aking mga grado. Dito ko nakilala ang hayskul barkada ko na up to now ay ka-close ko pa rin. Nagkaroon ako ng isang crush na first year high...
15- Third year na ako. Nagsisimula na akong magalit sa diyos nitong mga panahong ito. Nagagalit ako noon, dahil amidst all the blessings na binibigay niya sa akin...hindi ko pa rin nakukuha ang gusto ko...lalake! Lumilinya pa ako noon na hindi ko naman ginusto lahat ng binibigay niya, nakit di niya maibigay ang gusto ko. At kung anu-ano pang kadramahan ng isang hayskul baklita. haha! Siguro, napepressure lang ako noon, dahil ang mga bilat kong frends ay kahit hindi na tumayo ng upuan ay mayrong lalake. Nakita ko uli sa loob ng computer room ang crush kong 1st year dati...2nd year na siya. He is still cute as ever. Sabi ko, this is it. Prof ko rin nung 2nd year ang computer prof niya kaya hiningi ko ang pangalan at numero. Pero, ang manang na maldita, inistore lang ang numero...wala nmang ginawa. Nagpatuloy ang galit ko sa diyos hanggang dumating ang retreat. Binuhos ko talaga lahat doon ang galit ko, iyak, mura, name it...ginawa ko. To my surprise, habang nasa bus na kami pauwi, may na wrong send sa aking fone...to my surprise ulit...si crush ko pala iyon. Ang saya di ba? Dito na nagsimula ang T.L. phase ng buhay ko. Sabi ko, baka ito na...baka siya na. Nagtext kami. Natakot pa ako noong nalaman niyang bakla ako. Mild homophobic kemeru daw siya. Pero with my powers of persuasion ay napapayag kong maging frends kami. Effort ang ginawa ko doon kung effort. Nagwork naman kahit konti. Dumating yung panahon na hindi na lang ako ang tumatawag sa kanila...tumatawag na rin siya sa bahay. Minsan nagsasabay na kami pumasok dahil malapit lang siy sa skul. Pinagbabawalan pa niya ako magyosi. Dumating kami sa phase na kulang na lang ang formalization(o ako lang nakafeel nun). Akala ko hindi na matatapos ang lahat ng kasiyahan. AFter ng Valentine's day ay nalaman ko na lang na nililigawan na niya ang isa kong kaibigan. Nagalit ako. Napuno ng galit ang puso ko. Matapos ang lahat...oras...libreng libro...pag-intindi...doon lang pala mapupunta ang lahat. Mula ng araw na malaman ko ang balita...doon na ako nagsimulang magsuot ng itim. Itim ang sumimbolo ng namatay kong pag-ibig na pinipilit kong ilaban pero walang nagyayari. Basta ang sabi ko, gagantihan ko ang kaibigan ko...pero si boylet, patuloy ko pa ring minahal...
16-Naging klasmeyt ko ang frend ko nang taong ito. From being popular sa klase, lumagpak ang karera niya. Siniraan ko siya sa lahat ng klasmeyts ko...hanggang sa ang kausap niya na lang ay yung binabakstab niya dati na klasmeyt niya. hahaha. Ito siguro ang pinakamagulong taon ko sa hayskul. Hindi na ako nakakapgperform ng maigi sa klas dahil laging namumugto mata ko. Kahit alam ko na noong wala naman talaga, patuloy ko pa ring inilalaban ang pagmamahal ko. Hanggang sinabi ko pa rin sa kanya na hanggang nasa iisa kaming eskuwelahan, hindi ko siya papayagang maging masaya...
SIyempre, graduation din ang isa sa mga nagyari sa taong ito. nagkahiwahiwalay na kami ng barkada ko. Ako lamg kasi ang may gusto ng Arts and ol those kemeru. Sila gustong magpakadalubhasa sa nursing at engineering at commerce.
17-College na. Bago ang lahat. Dito sa taong ito ay nahanap ko ang tunay kong calling...ang teatro. Sumali akong AA at hindi ako nagkamail sa desiyon ko. Nakita ko ulit yung 4th year na crush ko. AA din pala siya. Masaya akong naging close kami kahit wala na akong feelings for him. Dito ko rin simulang nakita ang iba ko pang kakayahan.
Isang gabi, may tumawag sa bahay namin. SI T.L. Nagkukuwnto siya tungkol sa isang babae na gusto niya at hindi niya maukha dahil hindi siya kayang seryosohin. Noong moment na iyon ay naluha ako. Iyon ang huling luha ko para sa kanya. Pagkatapos naming mag-usap ay pinalaya ko na ang naagnas kong pagmamahal sa kanya. Narealize kong kahit nagtagumpay akong hindi maging sila ng kaibigan ko, marami pa ring babae diyan. Maraming babae ang bibihag sa puso niya pero ako?...hindi ako kailanman magiging laman ng sakim niyang puso.
Kaya ang sabi ko sa sarili ko, simula na ito ng pagtalikod ko sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay para lang sa mahihina sabi ko.
18-Naging officer ako sa AA. Dito ko ibinuhos ang lahat ng pagkukulamg sa akin ng pag-ibig. Minahal ko ng buong puso ang organisasyon at ang trabaho ko dito. Nakilala ako bilang bitterbitch...ang malditang bitter sa pag-ibig. ANg taong ito ay puno ng blessings sa aking karera. Patuloy ang pagdating ng mga magagandang komento tungkol sa aking pag-arte. Nakasulat din ako ng play na naisama sa aming anniversary production.
19-Ito ay taon ng pagsubok. May nagyari sa aking problema na akala ko hindi ko na malalagpasan. Sa problemang ito ay kinailangan kong pakawalan ang aking mga pangarap sa organisasyon at manatili na lamang miyembro. Nasaktan ako. Sabi ko, ang posisyon na lamang ang meron ako, pati ba iyon ay kukunin pa rin sa akin ng diyos? Matagal akong nalungkot. pero sabi nga...the show must go on. Kaya tayo ako uli...at lumaban. Narealize kong hindi dahil sa posisyon kaya ako kilala at nirerspeto. Dahil sa ako ay ako. Hindi dahil sa posisyon. Bagamat mahirap, nailaban ko naman.
AFter din ng matagal na panahon na isinusuka ko ang pag-ibig ay binigla ako ng tadhana. May nakilala akong first year na apprentice sa organisasyon. AT doon na nagsimula. Pinigilan ko man sa simula dahil hindi ko matanggap sa sarili ko...ay wala na rin akong nagawa. Umibig ako sa kanya. Dito ko masasabi na nagmahal na ako ng totoo. Binigay ko ang lahat kaya kong ibigay ng walang hinihinging kapalit. Hindi ko man maintindihan ang aking sarili, sa loob ko ay may namumuong pag-asa. AKala ko kasi dati ay hindi ko na kayang magmahal. Pero dumating nga ang taong iyon at nabuhay muli ang aking puso. AT katulad ng mga nakaraan...umasa ulit ako. Umasa akong baka siya na. AT katulad uli ng mga nakaraan...nagkamali na naman ako. Ibang tao ang gusto niya...bagmat lalaki rin...iba pa rin at hindi ako. Bumaha ang luha...napuno muli ng galit ang puso ko at inisip kong maghiganti. Mabuti na lamang at nagising ang aking Buddha Nature dahil sa chanting at naisip kong hindi tama ang gumanti. Hindi nila kasalanan ang magmahalan. Pero siyempre, masakit pa rin dahil kabiguan na naman ito para sa akin. Matagal din ang pinagdaanan ko bago ko siya mapalaya sa aking puso. Pinapagalitan na nga ako ng aking mga kaibigan noon. Pero habang tumatagal, ay natanggap ko din. Proud kong sinasabi ngayon na wala na ako kahit isang butil ng pagmamahal para sa kanya.
At ngayon...
20 na ako. Hindi ko alam kung ano mangyayari peromasaya kong haharapin ang bawat kabanata ng bago kong buhay. Mabigo man sa buhay o pagmamahal...tatyo pa rin ako...patuloy na lalaban...
coz i am and forever will be....