Sunday, August 13, 2006

OROSA-NAKPIL MALATE

Hindi ako magpopost para ikuwento ko ang summary ng libro. Hindi ako magaling sa mga review review na iyan.

Pero isa lang ang masasabi ko...

MAGANDA ang libro!

Hindi ko sinasabing perpekto siya...sinasabi ko lang na sa sobrang totoo ng emosyon na inilagay ng nagsulat sa libro ay hindi ko napigilan ang aking sarili na maramdaman ang bawat butil na emosyon na naroon...

Naramdaman kio bawat galit, pangungulila, pagluha at kasiyahan.

Habang isinusulat ko ito ay namamaga pa rin ang aking mga mata. OO! Hindi ako nahihiyang sabihin na umiyak ako. Umiyak ako na parang wala ng bukas. Umiyak ako na para ko ng hinubaran ang buo kong pagkatao ng mga pagkukunwari.

Hindi ko mapigilang umiyak dahil habang binabasa ko ang libro ay naalala ko ang dating ako... ang dating CYRIL. Ang dating ako na hindi takot masaktan. Ang dating ako na masugid na naniniwala sa pag-ibig at kung ano ang kayang gawin nito sa aking buhay. Ang dating ako na kahit madapa ng ilang ulit ay tatayo pa rin at magmamahal ulit.

Iyon ang nakaraan...

Dati, akala ko, ang paghahangad ko ng hindi mahanap-hanap na tunay na pag-ibig ang naglalayo sa akin para mamuhay ng simple at walang kumplikasyon katulad ng bata pa ako...

Pero narealize...iba pala...

umiiyak ako ngayon dahil masyado na akong matigas, mas simple pa lang magmahal na lang at huwag matakot kesa patigasin mo ang puso mo ng sobra hanggang wala ka ng maramdaman.

hanggang ngayon naiiyak pa rin ako...

hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos mawala ang mga luha...

lalambot ba ako uli?

masyadho ng maraming nangyari para bumalik pa sa nakaraan...

pero siguro dahil dito ay magagawan ko ng paraan ang lahat.

hindi ko sinasabing magpapakbaliw na uli ako sa pag-ibig.

pero hindi ko rin sinasabi na babalewalain ko ang mga dumarating...

WHO KNOWS???

Hindi ako nahihiya na sabihin ito...

Alam kong ang mga makakabasa nito ay mga taong kilala ako ng sobra at matatanggap ako...

Wala namang masama di ba?

Lahat naman may karapatang lumigaya...

Lahat may karapatang magmahal...

Para kay Dave at Ross sa Orosa-Nakpil Malate...Salamat!

Sana mahanap ko rin ang Ross ko...

Hindi man ngayon...

Pero alam kong darating siya...

Darating siya para mahalin ako...

Para tanggapin ako ng buong-buo

at

para tunawin ang matigas kong puso.

No comments: