Tuesday, October 02, 2007

AGNOIA

AGNOIA



*Ang sarap ng feeling na muling makapagblog. Maraming nangyari sa nitong mga nakaraang araw na nagpasaya, nagpalungkot at nagpaexcite sa akin...



Nagsara na ang kabanata ng AGNOIA para sa Artistang Artlets. Pero ang iniwan nitong tatak sa puso ng mga miyembro at mga nanood ay habambuhay na mananatili.


Una kong nakita ang script ng AGNOIA year 2005 pa. Kailangan naming maghanap ng partner kong Liaison Officer na si John(na siya na ring nagdirek ng play) ng mga script na pwedeng gamiting ng AA for its 25th Anniversary play. So, pumunta kami ng Carlos Palanca sa Makati upang magresearch. Isa nga sa mga nakita namin ang AGNOIA. Unang basa pa lang namin dito ay napukaw na agad ang aming puso. Malalim ngunit tagos sa puso. Nagustuhan ko kung paano, katulad sa tunay na buhay ay magkakadugtong ang mga buhay ng labing-isang karakter. Pinapatunayan lang nitong lahat ng gagawin mo, maliit man o malaki ay nakakaapekto sa iba. Nagustuhan ko rin ang karakter ni AQUARIUS. Isang baklang takot sa pag-iisa at ang tanging hiling lamang ay ang kasiguraduhan ng pagmamahal ng kanyang karelasyong si SCORPIO. SInabi ko talaga sa sarili ko na ako dapat ako ang gumanap dito sa karakter na ito kung sakali mang ang script ang mapali para sa anniversary celebration...ngunit hindi. Hindi ito ang napili...kung kaya't nabaon sa limot ang aking pangarap.



Hindi ko naubos maisip na darating ang panahon na maisasaentablado pala namin ang dula. At matutupad ang aking pangarap na gampanan si AQUARIUS.


Pero hindi siya naging madali katulad ng aking inaasahan. Lagi kong iniisip na marunong akong umarte. PEro dito...iba. DUmating ang mga panahon na kinakabahan ako at natatakot dahil hindi ko makuha ang gusto kong atake...at hindi ko rin maibigay ang sukdulang kagustuhang atake ng aking diretor na si JOHN. Dumating din ang mga gabi na pagkatapos ng mga rehearsal ay nagrerehearse pa akong mag-isa sa loob ng aking kuwarto para kinabukasan ay may bago akong maipapakita. At hindi ako nabigo...sa tulong ng aking hirap at mga pinagdaanan sa buhay ay nailabas ko ang mga hinaing at sugat sa puso ni AQUARIUS.



Tunay at napapanahon ang mensahe ng AGNOIA para sa mga manonood. Panghawakan mo ang iyong buhay at magtiwala sa kapangyarihan ng sarili. Madami din akong natutunan mula sa halos dalawang buwang pagtatrabaho sa AGNOIA.


1.Kung para sayo ang isang bagay...kahit lumipas man ang panahon ay para sayo ito.

2.Huwag masanay sa nakasanayan na. Kailangang pinagbubuti ang kakayahang umarte at patuloy na pinalalago.

3.Kahit isa ka lang ay paektado mo ang mga tao sa paligid mo.


4.Hindi iisa ang hugis ng puso. -LIBRA Hindi lang ang nakasanayan natin ang tama.


5.Ang bawat tao ay espesyal at bawat isa ay may maituturo sa ating aral.


Natapos na nga ang AGNOIA...pero habambuhay ko itong dadalhin sa puso ko...kasama ni AQUARIUS na minahal ko na ng lubusan.




PS: Thanx to JOHN for directing the play at for choosing me to play Aquarius. and MHARKEE for my first stge kiss..wahaha!


at salamat din kay tooot...ikaw ang dahilan kung bakit ko nagampanan ang roloe ko ng maganda...