Thursday, November 24, 2011

Nanaginip ako Kagabi.

Gabi.
Sa isang park na sa pakiramdam ko ay Luneta.
Kasama ko si Kristoffer Martin habang naglalakad.
Nakarating kami sa isang sementeryo.
May tatlong direksyon- Sarah Geronimo, Rayver Cruz at Christine Reyes.
Pumunta kami at dumiretso sa Sarah Geronimo.
Nakita kita...
Kasama mo siya...
Pero nang makita mo ako, ako ang sinamahan mo.
At kahit si Kristoffer martin pa ang ultimate crush ko
Nakaya ko rin siyang iwan para sa'yo.
Tayong dalawa na ang magkasamang naglakad.
Tayong dalawa na ang magkasamang nagtawanan.
Tayong dalawa na.

At kahit pagtapos ng panaginip ko.
Kahit na puno ito ng pinaghalu-halong bagay na hindi makatotohanan...
Paggising ko, totoo ang naramdaman ko.
At natuwa ako.

Totoo nga.
Hanggang panaginip lang talaga tayo.

Wednesday, November 02, 2011

Paano Na Nga Ba?


Paano na nga ba?

...ang pakiramdam ng kiligin na para kang bulateng sinabuyan ng asin.

...ang tubuan ng pimple na hindi dahil sa pagkalimot na gumamit ng facial wash.

...ang magpabaling-baling sa kama wishing na pagbalikwas mo, katabi mo na siya.

...ang gumising ng may automatic smile dahil siya ang una mong naalala.

...ang magmadaling matulog dahil alam mong hanggang panaginip nandun pa rin siya.

...ang magpaload ng sobra dahil pagnagtext siya kailangang magreply ka.

...ang tanungin ka lang kung kumain ka na ba? buong araw okay ka na.

...ang tumingin sa iba pero lahat sila para sayo kamukha niya.

...ang makinig ng mga kanta at lahat bagay sa masaya niyong kuwento.

...ang pakiramdam na kahit anung mangyari hindi masisira araw mo.

...ang may iba kang kasama aside sa mga kaibigan mo.

...ang umeffort para sa mga bagay na magpapaligaya sa kanya.

...ang magmahal.


Paano na nga ba?

Matagal na rin pala...

Nakalimutan ko na.