Thursday, March 22, 2007

Isang pamamaalam...

Madaming agam-agam sa aking isip at puso nitong mga nakaraang araw
Pero habang tumatagal ay natatanggap ko na
OO!
Tapos na nga...
Isang buwan na...
Tapos na.
Tapos na ang kabanata ng aking buhay kung saan kinaya kong kumawala sa personang itinatak sa akin ng mga tao para lamang sa "kanya".
Tapos na ang kabanata kung saan kinaya kong magbigay ng higit pa sa binibigay ko dati at higit pa sa kaya kong ibigay.
Tapos na ang kabanata kung saan tumibok ang aking puso hindi na lamang para sa sarili ko kundi para sa "kanya" para lamang mapanatili siyang buhay...ligtas...at masaya.
Magiging plastik ako kung hindi ko aaminin na umasa ako na ito na. Umasa akong maaring ito na ang magbabago sa aking mapait na buhay. Umasa akong ito ang mag-iiba ng takbo ng aking kapalaran at ang magdadala ng liwanag sa madilim kong mundo.
Pero sabi nga ng isang text message..."Hindi lahat ng hawak mo ay sayo na." Totoo! hindi lahat ng bagay o tao na andyan sa tabi mo ngayon ay kasama mo na habang buhay. Hindi naman natin kasi sila pag-aari na maari nating kontrolin ang bawat galaw at tibok ng kanilang puso.
Kaya ito ako ngayon...nagsisimula muli sa umpisa. unti-unting pinupulot ang sarili upang mabuhay muli.
Hindi ako galit...o kailanman ay nagalit sa kanya. Wala ksing mangyayari kung magpapakalunod ako sa mga ideyang sinaktan niya ako, niloko o kung ano pa man. Ang tanging problema lamang dito ay minahal ko siya ng sobra ngunit hindi niya ako kayang mahalin sa paraang gusto ko. Hindi niya...hindi nila...kasalanan iyon. Nagmahal lang sila. Malungkot lang nga dahil kailangan masama pa ako sa kanilang storya. Ako na naman ang chess pawn na ginalaw para makamit ng magkaibang chess piece ang kanilang minimithi.
Pero siguro masasanay din ako.
Basta ang gusto ko lang sabihin ay SALAMAT! Salamat sa iyo!
Dahil sayo ay naramdaman kong kaya ko na magmahal matapos ng lahat ng pait at galit na binalot ko sa sarili ko.
maldita: Ayoko ng nagyayari sa akin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
****: Ngayon lang iyan. Someday makikita mong may positive thing na kalalabasan iyan.
Siguro ito na nga iyon.
Natapos man ang kabanata natin ay nagpapasalamat ako sayo.
Binuhay mo ang puso ko kahit sa sandaling panahon.
SALAMAT! HANGGANG SA MULI!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
**********
When I wake up each morning
Trying to find myself,
And if I'm ever the least unsure
I always remind myself.
Though you're someone in this world
That I'll always choose to love,
From now on you're only
Someone that I used to love

Wednesday, March 21, 2007

princess hours

CONGRATULATIONS!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Nauna na si Anne Curtis sa aking listahan. Pero papatalo ba naman ang mga laganap na koreanovela sa mga matataray na lines ng ating mga teleserye?....siyempre hindi!

While i was bummin around last night at walang magawa sa kuwarto ay nakapanood ako ng episode ng Princess Hours. Madami na akong friends na nagsasabi na maganda daw ito. pero ayoko kasi nanonood ng mga series kapag nasa gitna na. sad to say ay hindi ko siya nasimulan.

E di iyon na nga... ang eksena kagabi ay ang pag-aaway ni prince gian at janelle after sa isang interview sa telebisyon.

madaramang away talaga...at habang nag-aaway at mega explain si janelle ay sinabi na ni prince ang kanyang madramang linya...

Prince Gian: " Hindi ko na alam kung kailan kita sinubukang mahalin. Dumating na lang ang araw na naiisip kita. Nahukay mo ang kailaliman ng puso ko. Pinalambot mo ang bato kong puso.

Pero anong ginawa mo...Tinapakan mo ang puso ko.

Ito ang tandaan mo...Ikaw ang unang tumalikod sa atin, hindi ako."


Congratulations! Tagos sa puso. Malay ba ng koreanong ito na ganito ang kinalalabasan ng pagtatranslate ng mga pilipino sa mga linya nila. pero i must say...Panalo talaga!